Showbiz News

Julie Anne San Jose, kinilig sa reaksyon ni Chito Miranda sa kanyang 'Bagsakan' cover

By Aedrianne Acar

Taos-puso ang pasasalamat ng Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose na natuwa ang si Chito Miranda sa ginawa niyang cover ng hit song na "Bagsakan."

Ang "Bagsakan" ay kantang pinasikat noong ng banda ni Chito na Parokya ni Edgar kasama si Gloc 9 at ang yumaong King of Pinoy Rap na si Francis Magalona.

May mahigit sa 144,000 views sa Youtube ang "Bagsakan" performance ng Kapuso singer.


Pansin naman ang kilig kay Julie Anne nang makita niyang nag-tweet si Chito tungkol sa kanyang performance niya na, "Teka...iwan ko lang 'to dito. Ayaaan...."

Julie Anne San Jose sings latest single "Better" while playing the piano

Julie Anne San Jose's 'Nobela' cover reaches five million streams on Spotify