Showbiz News

Kumustahin ang inyong paboritong TV Personalities sa 'JUST IN!'

By Felix Ilaya

Malapit na ang pinakabagong talk show na inyong kahuhumalingan, ang 'JUST IN: An Online Kumustahan with your Favorite TV Personalities.'

Handog ng GMA Artist Center, ang 'JUST IN' ay isang online kuwentuhan at kumustahan session kung saan tampok ang ilan sa inyong mga paboritong TV personalities.

Hosted by the brilliant and funny Kapuso stars Paolo Contis and Vaness Del Moral, tiyak na mag-eenjoy kayo usapan at chikahan nila kasama ang iba't ibang guests.

Sa pilot episode ng 'JUST IN' ngayong Wednesday, May 20, makakapanayam nang live ni Paolo ang isa sa mga kasabayan niya sa industriya na si Baron Geisler.

Mababaligtad naman ang interview table sa Kapuso broadcast journalist na si Arnold Clavio dahil sa May 27 episode ng 'JUST IN,' siya naman ang guest sa talk show ni Vaness!

Abangan sina Paolo at Vaness sa online kumustahan at kuwentuhan na 'JUST IN!'