GMA Logo Glaiza de Castro
What's Hot

Glaiza de Castro, nagkaroon ng pag-asa sa rerun ng 'Encantadia' at 'Stairway to Heaven'

By Dianara Alegre
Published May 21, 2020 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Glaiza de Castro


Glaiza de Castro natutuwa sa pagbabalik-telebisyon ng 'Encantadia' at 'Stairway to Heaven' dahil sa hatid na pag-asa nito sa mga manonood.

Pansamantala mang natigil ang produksyon ng mga palabas sa telebisyon dahil sa quarantine at banta ng COVID-19, natutuwa pa rin si Glaiza dahil sa rerun ng dalawang teleserye na pinagbidahan niya noon, ang Encantadia at Stairway to Heaven.

“Parang nakaka-proud na naging parte ako ng ganitong show, or something na naging successful,” aniya.

Kontrabida ang ginampanang karakter ni Glaiza sa mga naturang show. Binigyang-buhay niya ang karakter ni Sang'gre Pirena sa Encantadia at ang role naman ni Eunice para sa Stairway to Heaven.

“Kaya ngayon nakakatawa kasi naiinis sila sa 'kin sa Pirena tapos maiinis din sila sa 'kin sa Eunice. So paano na?

“Siguro babawi na lang ako sa pagpo-post ko sa social media. Kakantahan ko na lang sila, mag-a-IG live na lang kami or makikipag-Twitter na lang ako para kahit papaano mawala 'yung inis nila,” sabi pa niya.

Nais din umano ng aktres na makapagbigay-aliw sa manonood ang mga naturang serye ngayong may krisis sa bansa, lalo na ang Encantadia na may hatid na inspirasyon at pag-asa.

“Sa panahon ngayon siyempre 'di ba kailangan natin ng positivity. Isa 'yung 'Encantadia' sa parang nagbigay sa akin ng hope na, 'Okay, magiging normal din ang lahat balang-araw kahit na marami tayong digmaan, kahit na marami tayong kalaban, kahit na maraming mga Pashneya. Magtatagumpay pa rin ang kabutihan,'” aniya.

Isang post na ibinahagi ni Glaiza De Castro (@glaizaredux) noong