Showbiz News

Carla Abellana reveals hostile message from basher

By Cara Emmeline Garcia

Dinaan na lamang sa empatiya ni Kapuso actress Carla Abellana ang mensaheng natanggap niya mula sa isang basher na nagnanais na ipasara ang Kapuso network.

Saad ng basher sa private message, “Mga ulul kayo! Mga salot na Kapuso! Mga walang pinag-aralan at manloloko kayong lahat.

“Sana mapasara din kayo para magbunyi din kaming mga kapamilya. Damay-damay na 'to. Wala kayong kwenta. Mga bobo kayo! Tanga! Walang pinag-aralan! Pasabugin sana kayo mga hayup kayo!”

Kaya naman sambit ni Carla sa Instagram story, “So much hostility for the morning.

“I know he only wants attention and he doesn't mean it at all, but I can't help but feel so sad for people like him.”

Sinagot ni Carla Abellana ang isang basher. / Source: @carlaangeline (IG)

Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na idinaan ng Love of My Life actress sa tawa ang isang insensitive comment ng isang basher sa kanyang post.

Saad ng netizen sa May 19 post ng aktres, “Nung 'di ka pa lumba lumba.”

Tugon ni Carla, “Yes!” na sinabayan pa ng smiling emoji.

Source: @carlaangeline (IG)

Maalalang ikinuwento ni Carla sa isang social media post na nagkaroon siya ng hypothyroidism, liver damage, at tachycardia or rapid heart rate na naging sanhi ng kanyang unintentional weight gain.

Kahit pansamantalang nakahinto ang production ng Love of My Life kung saan bumibida si Carla, mapapanood siya at ang kanyang kasintahan na si Tom Rodriguez gabi-gabi sa My Husband's Lover sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ito sa official website ng GMA Network at ng GMA Network app!

READ: Carla Abellana reveals reason of her unintentional weight gain

WATCH: Tom Rodriguez serenades Carla Abellana with a love song