Showbiz News

Clint Bondad parody account trends after Sam Milby confirms relationship with Catriona Gray

By Cara Emmeline Garcia

Ngayong Instagram-official na ang magkasintahang Sam Milby at Catriona Gray, hindi maiwasan kamustahin ng fans ang estado ng puso ni Kapuso actor Clint Bondad lalo na't hindi pa rin niya binubura ang litrato ng ex-girlfriend sa social media.

Sa katunayan, maraming supporters ni Clint ang interesado at nag-aalala dahil matagal nang hindi active sa Instagram ang aktor.

Dahil dito, may gumawa ng fake account sa Twitter na nag-post ng isang hugot statement.

Ani ng poser, “I was there when you lost the world, and I was also there when you achieved the Universe. But now, I'll just watch you glow from afar until our stars collide again.”

Sinamahan pa ito ng video na kuha ni Clint noong nanalo si Catriona bilang Miss Universe sa Bangkok, Thailand noong December 17, 2018.

Poser account ni Clint Bondad sa Twitter. / Source: @ClintBondad (Twitter)

Umani ng mahigit 50K likes at 7K retweets ang nasabing post ngunit marami ang umapila sa parody account na tigilan muna ang panloloko.

Habang ang ilan fans ay nakisimpatiya kay Clint ngayong may bago nang nagpapatibok ng puso ni Catriona.

Makikita ang mga ito sa kanyang Instagram account na ngayon ay mayroon nang 429K followers.

Saad ng isang netizen, “Hindi pa rin ako maka-get over. Sorry, Clint! Pero tama, pag-okay ka na i-delete mo na mga picture niyo. Ang sakit sakit nung binalikan ko ulit. Kasama ka niya nung binubuo 'yung dreams niya na makuha 'yung crown, kasama ka niyang nangarap pero ngayon mangangarap ulit siya pero hindi na ikaw 'yung kasama niya.”

Netizens' reactions sa Instagram account ni Clint Bondad / Source: @clintbondad (IG)

Maalalang inamin ni Clint ang kanilang paghihiwalay noong 2019 sa pamamagitan ng isang TV interview.

Aniya, “Well, she belongs, first of all, to herself.”

Dagdag pa niya sa caption, “Man, and here I am working so hard on my bad boy image… I stand by all I have ever said about you. You are still the most beautiful woman that I have ever met. I wish you the very best on your path, wherever it will carry you… Truly.

“This is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point in our life.”

Clint Bondad reacts to comments about his breakup with Catriona Gray

Vicki Belo asks Catriona Gray: “Relationship or career?”