Showbiz News

Celebrity daughters na sina Angela Alarcon, Claire Castro, at Raechelle Ricketts, handa nang pumasok sa showbiz

By Dianara Alegre

Hindi lang pretty face ang nakuha ng celebrity daughters na sina Angela Alarcon, Claire Castro at Raechelle Ricketts mula sa kanilang mga magulang na sina Jestoni Alarcon at Lizette Capili, Raven Villanueva at Diego Castro, at Ronnie at Mariz Ricketts, pati talent ay namana rin nila sa kanilang '80s at '90s artist parents.

Papasukin na kasi nila ang mundo ng showbiz bilang mga bagong breed ng Kapuso talents at determinado silang tatlo na patunayan na may puwang din sila sa entertainment industry.

“Bata pa lang ako, gusto ko na talagang mag-showbiz kasi I grew up watching my dad's films, teleserye.

“'Tsaka avid fan ako ng dad ko, ginagaya ko 'yung mga linya niya everytime nakikita ko siya sa TV,” pagbabahagi ni Angela.

IN PHOTOS: Meet Jestoni Alarcon's beautiful daughter, Angela Alarcon


Ayon naman kay Claire, bata pa lang ay namulat na siya sa showbiz dahil palagi siyang isinasama ng dad niya sa trabaho.

“When I was younger, my dad would take my sister and I to the set of his shows. I think that it kind of stay with me since then that I want to be an actress.

“I would prefer to play a kontrabida role,” aniya.

Claire Castro, anak ng '90s stars na sina Diego Castro at Raven Villanueva, Kapuso na!


Samantala, nagkaroon na ng acting stint si Raechelle at naging bahagi na rin ng mga pelikulang pinagbidahan ng dad niyang si Ronnie.

“Early 2019 February 'yung movie ng dad ko, it got released, Exit Point, I was one of the main characters there.

“'Tapos, last year October 2019, we started naman sa shooting of a biopic of Dr. Willie Ong,” sabi pa niya.

LOOK: Ronnie Ricketts & Mariz's sexy & beautiful daughter, Raechelle


Dagdag pa sa kanilang attractiveness and fit at toned nilang body.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi nina Angela, Claire at Raechelle ang kanilang fitness regimen even at home.

BTS photos of 'Girls of Summer'

Panoorin kung paano nila pinananatiling fit ang kanilang pangangatawan dito: