Showbiz News

Abangan sina Jak Roberto at Nikki Co sa 'Quiz Beh!'

By Maine Aquino

Ipinakilala na ang apat na maglalaro ngayong May 29 sa Quiz Beh!

Ang Quiz Beh ay ang bagong online game show na pinagbibidahan ng Kapuso host na si Betong Sumaya.

Masusubok ang talino ng inyong favorite Kapuso stars sa 'Quiz Beh!'

Una nang ipinakilala na makakasama ni Betong sina Sef Cadayona at Addy Raj. Ngayong hapon, ipinakilala na rin ang dalawa pang Kapuso actors na makikisaya sa programa.

Ito ay sina Jak Roberto at Nikki Co.

Ayon kay Jak, "Samahan ninyo kaming maglaro, tumawa at manalo sa Quiz Beh!"

"Makihula at makigulo kasama sina Jak, Addy, Sef at Kuya Betong," saad naman ni Nikki.


Panoorin sila ngayong May 29, 3:00 p.m sa GMA Network's Facebook page at GMA Artist Center's YouTube channel.