Showbiz News

Janine Gutierrez, thankful na may sariling tahanan ngayong ECQ

By Marah Ruiz

Nananatiling thankful si Kapuso actress Janine Gutierrez para sa ilang bagay ngayong nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.

Isa na raw sa ipinagpapasalamat niya ang pagkakaroon ng sariling tahanan. Matatandaang lumipat si Janine sa sarili niyang condominium unit noong 2016.

Mas napahalagahan daw niya ngayon ang kanyang tahanan dahil nagagamit niya ang mga narito para tumulong sa iba.

"Na-appreciate ko 'yung bahay ko ngayon. Whatever I can find here na can be of use to someone else, I'm grateful that I have that," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bukod dito, thankful din saw siya sa kanyang alagang aso na si Ponche. Ito raw kasi ang kasama niya buong quarantine.

"I never got to spend so much time with him until now because I'm always at work and naiiwan siya dito sa bahay. I'm glad that he's here with me," aniya.

Alamin ang iba pang pinagpapasalamat ni Janine dito:




Kahit mag-isa, sinisikap pa rin ni Janine na mag-vlog. Dito daw niya unti unting natututunan ang new normal na haharapin ng bansa sa mga susunod na buwan.