Showbiz News

Jackie Rice, may gustong patunayan

Nagsimula na ang taping ng Panday Kids at isa si Jackie Rice sa mga nakakuha ng key roles sa pinaka bagong show na aabangan sa prime time. Dahil sa sexy na costume at palaban na character, iGMA asked Jackie kung ano ba talaga ang gusto niyang patunayan sa bago niyang image? Text by Loretta G. Ramirez, Interviews by Jason S. Lim. Photos by Mitch S. Mauricio Bago pa man magsimula si Jackie Rice sa Panday Kids, lumikha na ng ingay ang dalaga sa mga sexy pictorials na ginawa niya. Bakit nga ba biglang nagbago ang image ni Jackie—from sweet and innocent to daring and sexy? "Gusto ko pa kasing ma-explore kung ano ang kaya kong gawin, kung ano pa ang puwede sa akin. Kung hanggang dito na lang ba ako sa acting at kung puwede rin ba akong mag-daring," ang paliwanag ni Jackie ng bumista siya sa iGMA recently. "Hindi naman ako 'yung pa-sexy talaga. Gusto ko lang ma-explore 'yun," ang dagdag pa niya. At ngayong napatunayan na niya na kaya nga niyang maging daring at magiba ng image, what's next for her? "Gusto ko talagang maging magaling na artista. Siyempre iba doon sa dating sinasabi nila na walang talent. Ganun, gusto ko ngayon meron na akong maipapakita na ibang-iba sa StarStruck." And her role sa Panday Kids might be the big break she is waiting for. "Actually, first time kong mag- action dito. At saka first time ko ring makakatrabaho sila. Except for Buboy [Villar] and Ms. Jolina [Magdangal]. Kasi si Ms. Jolina, she’s one of the hosts sa StarStruck namin and si Buboy naman sa Darna at saka sa Dyesebel.With Polo [Ravales] first time and si JC [de Vera] first time din." Ano naman ang feeling na love interest siya ni JC de Vera dito sa Panday Kids? "Excited ako, never ko pa kasi siya nakatrabaho ever since. At saka ang tagal ko na rin na walang ka-love team. After Marky [Cielo], sino pa ba? Si Mark Herras, after nun wala na." Sa sunod-sunod na blessings at opportunities na napupunta sa kanya, mayroon pa ba siyang gustong patunayan? "Gusto ko lang ipakita na seryosong artista na ako ngayon. Gusto kong gawin lahat kasi mahal ko yung ginagawa ko and nageenjoy ako dito" Abangan si Jackie Rice sa Panday Kids, magsisimula na ngayong Pebrero sa GMA Telebabad block. Pag-usapan ang Panday Kids sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here! Get updates about Jackie Rice by texting JACKIE(space)ON and send to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.)