Showbiz News

Is Diva the next Ultimate Female 'StarStruck' Survivor?

Cebuana Diva Montelaba grew up independent, with only her Lola to stand beside her and guide her through life. And it is this experience that Diva credits sa kanyang drive to pursue her dreams, and her conviction to stay in the 'StarStruck' competition. Interview and Text by Reina M. Pagaduan. Photos by Naomi V. Pitargue and Jason John S. Lim. Maituturing ni Diva Montelaba that being part of StarStruck V is one of the best things that happened in her life. She explains, "isa ito sa mga highlight na nangyari sa buhay ko, kasi hindi ko ma-imagine na sasali ako." At sa kanyang stay dito sa Manila, inamin rin ni Diva sa iGMA.tv na it's her first time to be this far away—at nage-enjoy naman siya. "Hindi ko akalain na ganito pala ang maging Manila girl." Independent man lumaki si Diva, lagi naman siyang may Lola na nasa tabi niya. And these two things ang naging balance ni Diva sa kanyang pag-pursue ng kanyang dreams. "Having no family at all—hindi ko mapu-pursue 'to kung hindi dahil sa masamang pangyayari na ‘yun." Diva says growing up without parents gave her an advantage na "hindi mahirap sa akin mamuhay dito sa Manila alone." Pero, she also says, "may Lola ako ever since. Nakatulong siya ng sobra. Hindi ako ngayon ganito kundi dahil doon." Diva, Before and During StarStruck Bago pa man sumali si Diva sa StarStruck, hindi na siya naiba sa mga patimpalak. Madalas na siyang sumali sa mga beauty pageants, which helped her to be confident sa mga StarStruck performances niya. "Kasi, pag isa kang beauty queen, it requires: talagang super confidence. At sa StarStruck, super kailangan din maging confident ka all the time. Most especially pag talent show time! You need to really give out your best—and really, you can do it if you're confident." Mula sa kanyang probinsiyana look, we've seen Diva transform into one glamorous swan. And Diva knows na malaki talaga ang nabago sa kanya, physically, since Day 1 of StarStruck V. "Now, with my super short hair, parang mas naging may character. Physically, parang ibang-iba na from a probinsiyana girl." Isa pang nabago kay Diva ay ang kanyang emotional and psychological state. Kuwento niya, "when I was in Cebu, parang super low self-esteem ako noon. Hindi ako makausap nung dati, pag hindi ako umiimik. Pero now, I've learned to deal with different kinds of people [mapa-]showbiz, or maybe in my personal life. Natuto akong makisama sa kanila—hindi 'yung sila 'yung nakikisama sa akin." Pero aminado si Diva na nasa loob pa rin niya kung sino siya noon, lumalabas pa rin ito from time to time especially kapag nagiging emotional siya. "Matagal ko nang sinasabi, that when it comes to confrontations, it may be negative or positive, I really fall apart. And I show that through crying. "I really can't help it." Diva tells us na lumalabas ito lalo kapag kaharap niya ang Council or ang Mentors, "[when] they give me positive comments, parang sobrang overwhelming para sa [akin]. Hindi [ko] maiwasan talaga na maiyak." Diva, the Threat "Modesty aside, I would say yes." ‘Yan ang sagot ni Diva sa amin nang tanungin namin siya if she would consider herself a threat sa ga kasama niya sa Final V. But she adds that "habang tumatagal, lalong lumalalim 'yung kompetisyon. Hindi mo na alam kung sino para kanino 'yung ganoon." "Oo, masasabi ko [that] I gained most of the awards. Pero hindi ako ganoon ka-kampante kasi award lang ‘yun—trophy lang ‘yun." And she adds that as the competition went on, nag-improve din ang kanyang mga kasamahan, along with her. Kaya naman excited na si Diva sa nalalapit na Final Judgment. "Excited dahil, naniniwala ako na malaki 'yung chance ko. Kasi I'm improving a lot." But, she adds na kinakabahan rin siya, because "ang higpit na ng competition. Hindi mo na alam kung saan ka dapat. "Pero I strongly believe sa ginawa ko at mga ginagawa ko—deserving ako." Diva, Ultimate Female Survivor "Ako ang dapat manalo kasi hindi ko lang 'to ginusto—kailangan na kailangan ko 'to." Diva says she sacrificed so many things to get where she is now. "I made sacrifices on my studies, my family—sinakripisyo kong magtrabaho para sa pamilya ko sa Cebu; pumunta [ako] dito, namuhay ako ng ilang buwan mag-isa at malayo sa pamilya ko. Dahil dito, binigay ko lahat, wala na akonng iniwan para sa sarili ko when it comes to energy level. Lahat binibigay ko." She continues, "deserving ako kasi ipinapakita ko kung sino 'yung totoong Diva. 'Yung nakilala nila noon, nag-improve lang from a probinsyana to a glamorous swan." Siyempre, Diva can't forget to thank the people who made her journey in StarStruck possible—especially the ones from Cebu. Kaya naman may message rin siya for all of them: "Sa mga fans ko, lalong-lalo na sa mga Cebuano, sa mga Bisaya, kasi parang, honestly talaga wala pa sa history ng StarStruck na isang Bisaya have gone so far. So parang thankful ako kasi sa akin nila binuhos ‘yung suporta nila. At saka ang layo na ng narating ko! In fact, Final 14 nga lang ‘yung hiningi ko sa kanila pero sobra-sobra ‘yung binigay nila sa akin. Sa mga Cebuano, sa mga schoolmates ko sa USJR, sa Divaholics, sa mga fans ko, lalong lalo na sa lola ko, sa tita ko, sa mommy ko—thank you kasi hindi ganoon kadali sumali dito. Hindi ko mararating ‘to kundi dahil sa kanila.” Mark your calendars for the Final Judgment! Sa February 21, isang malaking celebration ang magaganap sa Araneta Coliseum! And patuloy na subaybayan ang StarStruck ShoutOut araw-araw, and don't forget to watch the final StarStruck V episode on Saturday, after Pinoy Records. With just a week of StarStruck V remaining, Fanatxt is now giving you the option to be updated sa mga ginagawa ni Diva, 24/7! Just text DIVAM (space) ON to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is exclusive for the Philippines only.) Pag-usapan ang StarStruck V and your favorite contender sa pinagandang iGMA Forum! Not yet a member? Register here!