Showbiz News

Ramon Revilla Sr. naospital; Jolo Revilla, nanawagan ng dasal 

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na isinugod sa ospital ang ama niya at dating senador na si Ramon Revilla Sr. nitong Linggo, May 31.

Ayon kay Bong, isinugod ang dating senador bandang 6:00 ng gabi matapos mahirapang huminga. Naka-ventilator din umano siya ngunit nananatiling may malay.

Bukod kay Bong, nanawagan din sa publiko ang aktor at Cavite Vice Governor Jolo Revilla ng dasal para sa kanyang Lolo.

“As stated by my father. At around 6pm tonight, we rushed my Grandfather to the hospital. He was hard of breathing and was somewhat unresponsive.

“From St. Dominic Medical Center where he was given first aid and emergency medical services, he was transferred to St. Luke's Medical Center, Global City where he is now undergoing treatment.

“Kasalukuyan po siyang nakakabit sa ventilator, but thank God, he is now conscious and responsive.

“Patuloy po kaming humihiling ng inyong panalangin para malampasan niya itong karamdaman,” aniya sa isang post.

Si Ramon Revilla Sr. ay nagsilbing senador ng bansa mula taong 1992 hanggang 2004.

Panoorin ang buong Unang Balita report: