Showbiz News

Kyline Alcantara, proudest Kapuso moment ang pagdalo sa Asian Academy Creative Awards

By Cara Emmeline Garcia

Naki-isa si Kyline Alcantara sa pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng GMA Network ngayong taon sa pamamagitan ng pagbahagi ng isang video na ikinukuwento ang kanyang proudest Kapuso moment.

Ani ng young actress, napakasarap sa kanyang pakiramdam ang marinig sa iba't ibang parte ng mundo ang kanyang pangalan na kalakip sa GMA network.

Sambit niya, “Tuwing pumupunta ako sa provinces para sa festivals and mall shows o 'pag nag-out of the country ako, may biglang lalapit sa akin na magsasabing, 'Oh my gosh kilala kita! Galing kang GMA-7. Sobrang paborito ko yung mga palabas niyo dyan at solid kapuso ako.'

“Sobrang sarap sa pakiramdam nun at nakakaproud.”

Maliban diyan, maituturing niya na proudest Kapuso moment ang kumatawan sa GMA-7 sa naganap na Asian Academy Creative Awards sa Singapore noong 2018.

Sa nasabing awards night, naging finalist si Kyline sa kategoryang Best Actress in a Supporting Role para sa kanyang pagganap sa GMA Telebabad series na Kambal Karibal.

Kuwento niya sa viewer, “Personally ang pinaka nakakaproud po siguro ay 'yung nirepresent ko 'yung network natin sa Asian Academy Creative Awards sa Singapore.

“Kasi ang sarap pakiramdam na may naririnig ka na, 'She's from GMA-7, from the Philippines,' --- parang nakakaproud lang.Hanggang sa ka-apu-apohan ko ay ikukuwento ko 'yon.”

Panoorin 'yan at ang 70th anniversary message ni Kyline sa GMA Network sa video na ito:

Kyline Alcantara announces online benefit concert for two foundations

Kyline Alcantara gives update on her quarantine life in Bicol