Showbiz News

EXCLUSIVE: Therese Malvar, naghahanda na para sa kolehiyo sa kabila ng COVID-19 crisis

By Cherry Sun

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Therese Malvar ngayong graduate na siya ng senior high school at naghahandang pumasok sa kolehiyo sa kabila ng COVID-19 crisis.

Nagpapasalamat si Therese na patapos na ang kanyang academic year nang magsimula ang enhanced community quarantine. Ngunit dahil natigil ang physical classes, hindi rin siya nagkaroon ng pagkakataon na namnamin ang kanyang pagtatapos at pagmartsa sa isang graudation ceremony.

Aniya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “I'm kinda sad that we did not have a graduation. Kaya hindi ko mafi-feel 'yung graduation feels na 'finally tapos na!' Parang it just happened, parang 'Ah, hindi na pala ako grade 12.' It just passed by lang pero wala, we just have to accept it.”

Kasalukuyang nag-e-enroll si Therese sa MINT College para sa kursong Film at magsisimula na raw ang kanilang online classes sa Agosto.

Pag-amin niya, excited siya sa kanyang mga bagong matututunan ngunit nag-aalala rin siya kung paano nila mapa-praktis ang mga ito ngayong patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19.

Bahagi niya, “Ano kaya ang pwede naming gawin kasi film is a physical thing to do and we really need performance tasks. How kaya ang performance ng tasks ng course na Film? So 'yun, I still have yet to know.”

Sa opinyon din ni Therese, hindi masama kung ipagpaliban muna ang pagbubukas ng mga klase. Bigay-diin niya ay mahalaga pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng mga tao.

Paliwanag ng aktres, “For me talaga, as of now, if wala pang curve na na-flatten or wala pa mass testing, or if hindi talaga sure sa pandemic ngayon, sa COVID-[19] ngayon, I think we should not do physical opening of classes. Mahirap man pero kailangan mag-online classes. Or you know if it gets worse talaga and it's really hard na lahat magkaka-cellphone or internet for online classes, pwede rin namang 'wag muna mag-classes this year.”

Panoorin:

Maliban sa paghahanda para sa kanyang pag-aaral, naglalaan din si Therese ng oras para sa kanyang ministry service at pati na sa pagtatangkilik sa K-dram at K-Pop.

EXCLUSIVE: Therese Malvar, excited ma-meet si Hyun Bin pagpunta ng Korean actor sa Manila

EXCLUSIVE: Therese Malvar is a loud and proud member of the 'ARMY'

#TRIVIA: 17 fun facts that make Therese Malvar a star