Showbiz News

Alessandra de Rossi nagpasalamat sa followers na ipinagdarasal ang pamilya niya sa Italy

By Cara Emmeline Garcia

Hindi mapigilang idaan sa tawa ni Alessandra de Rossi ang mga pangyayari ngayon sa bansa pagkatapos ianunsyo na ipapasa na kay President Rodrigo Duterte ang anti-terrorism bill.

Biro ni Alessandra sa Twitter, “Hindi ko na alam kung comedy bar na ba ito o ano. Sa sobrang saklap, matatawa ka na lang. Ewan, nag-resign na ang brain cells ko.

Inihalintulad ni Alessandra ang controversial bill sa ideyang bawal magreklamo ang artista dahil mababansagaan agad ito na may “attitude problem.”

Sambit niya, “Parang showbiz 'to? Bawal magsalita. Bawal magreklamo dahil baka makasakit ka nang 'di mo sadya.

“Pero pwede kang masaktan din ng iba na hindi nila sadya, pwede kang balewalain at apakan nang ganun lang, at bawal umaray dahil magiging masama ka na agad at may attitude problem. K.”

Dagdag pa niya, “Frozen delight tawag nga nila doon. Arte u? Doon ka sa sulok. Wa ka na karir! Chos!”

Dahil sa kanyang sunud-sunod na tweets, hindi mapigilan ni Alessandra na magbalik tanaw noong nagsisimula pa lamang siya sa paga-artista sa edad na 14 years old.

Kuwento ng aktres, “Naalala ko tuloy nung 14 ako, sinigawan ako ng isang producer dahil ayaw kong makipagkissing scene at love scene.

“Sabi niya [sa akin], 'Hindi ka sisikat, kahit kahilan dahil may attitude problem ka!'

“Dahil lang… Malay ko sa kissing at 14?!? Tapos mapapanood ng parents ko? No!”

Naging emosyonal din si Alessandra sa Twitter dahil sa sunud-sunod na problema ng bansa.

Aniya sa kanyang followers, patuloy ang kanyang pagdadasal sa kapwa niya Pilipino at sa lahat ng taong tumutulong sa bansa.

“I've had the longest prayers at night since COVID. From friends, to family, to their employees. To everyone na sasakay sa elevator sa mga condo nila. To everyone na magdedeliver sa kanila at sa lahat ng inuuwian ng mga taong 'yun. Sa mga bansa where we get our supplies… LAHAT.

“'Pag may nangungumusta sa akin ang laging sagot ko, okay pa ako. Pero 'di ako okay para sa iba. Masakit.

“Paano ako magiging okay? Mahirap 'yung nagaalala para sa lahat. 'Di mo naman din kaya tulungan ang lahat so pray na lang tayo.”

Malaki rin ang pasasalamat ng aktres sa kanyang supporters na ipinagdadasal ang kanyang pamilya sa Italy.

Saad ni Alessandra, “Napakalaking bagay nung pinagdadasal niyo sila. Pati din sa lahat ng may nagagawang maliit man o malaki para sa kapwa nila during this season. Thanks to everyone na chinecheck kung okay ang kapwa [nila].”

Alessandra De Rossi congratulates sister Assunta on her pregnancy

Alessandra de Rossi, pinapabili ng sariling ospital ang kapatid na si Assunta de Rossi