Showbiz News

Barbie Forteza, handa nang magbalik-trabaho sa kabila ng banta ng COVID-19

By Dianara Alegre

Ibinahagi ni Anak ni Waray vs. Anak ni Biday actress Barbie Forteza na handa na siyang magbalik-trabaho sakaling ituloy na ang taping ng seryeng pinagbibidahan niya kahit may banta pa ng COVID-19 disease sa bansa.

“Para sa 'kin, best defense sa ngayon sa COVID-19 ay malakas na resistensiya at healthy na pangangatawan,” aniya.

Ipinahayag din ng aktres na miss na umano niya ang pag-arte gayundin ang kanyang mga trabaho.

“Other than that, lahat naman tayo nagri-risk para sa trabaho natin, para sa pamilya natin. So kung ready, oo, I'm ready.

“I am more than ready to get back to work. Miss na miss ko nang magtrabaho, miss na miss ko na 'yung mga kasama ko, miss ko nang umarte,” dagdag pa niya.

Muli namang nabalikan ni Barbie ang pag-arte online sa special vlog ng seryeng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Dito ay nag-vlog at nag-makeup tutorial ang karakter niyang si Ginalyn.

Samantala, bukod sa pag-arte, isa pa sa mga na-miss ng aktres ay ang boyfriend niyang si Jak Roberto. Kamakailan nga ay nagkita na ang dalawa matapos ang mahigit dalawang buwan dahil pa rin sa quarantine.

“Importante magkita kami agad once na GCQ na.

"Ewan ko, araw-araw kami magkausap, kahit minsan parang gusto ko nang e-end call kasi ang dami nang pinagsasasabi, [pero] parang iba pa rin 'pag magkasama kayo in person.

“Kumbaga miss na miss n'yo pa rin 'yung isa't isa,” aniya.

Barbie Forteza and Jak Roberto's TikTok dance video gave us all the kilig feels!

Jak Roberto tries to teach Barbie Forteza how to cook through video chat

Panoorin ang buong 24 Oras report: