Showbiz News

Ynna Asistio wants to do more mature roles

Nang matapos ang 'Sana Ngayong Pasko' early this January, Ynna Asistio has focused her energy on improving her craft. She joined a group of Royal Era talents to train under the award-winning director Laurice Guillen. Now, she's reaping the benefits of free time well spent. Text by Jason John S. Lim. Photos courtesy of GMA Network. Twice nakausap ng iGMA.tv si Ynna Asistio tungkol sa kanyang role sa SRO Cinemaserye: Meet the Fathers. The first time was during the pictorial, and then again during the show's press conference. Kid No More The day before the pictorial, at saka lang nalaman ni Ynna na kasama siya sa cast ng SRO Cinemaserye: Meet the Fathers. "Excited" ang description niya sa feelings niya while watching her on-screen partner Joross Gamboa getting his photos taken. Kuwento niya, "SRO" pa lang daw ang sinasabi sa kanya, nag-reply na siya agad ng "I like! I like!" "Wala po akong alam sa kuwento," inamin sa amin ni Ynna, nang tanggapin raw niya ang role. "Nung nalaman ko, sabi ko, 'Wow! Ang ganda ng istorya. Nakaka-challenge.' Mabubuntis ako, ikakasal ako, tapos dalawa 'yung tatay ko, babaero 'yung mapapangasawa ko—feeling ko, may pagka-mature na 'yung role na gagawin ko." Ynna says she's already made steps sa pagiging mature nang gawin niya ang Sana Ngayong Pasko, "pero ngayon, involved 'yung kasal, 'yung buntis." And that's why Ynna says she is very lucky to be part of the cast: "malaking opportunity sa akin ito; feeling ko, masuwerte ako na napunta sa akin ang isang magandang character na talagang alam kong macha-challenge ako." She adds, "kahit light [ang show], iba 'yung challenge sa akin talaga." A Different Ynna Either tweetums or maton ang roles na usually napupunta kay Ynna noon, kaya naman the young actress is very happy that now she gets to try out different roles. "Happy pa ako na marami akong ginagawa ngayon, dahil napa-practice ko ngayon ang pag-arte [ko]." During the press conference ng SRO Cinemaserye: Meet the Fathers, Ynna confesses na hindi niya inakalang SRO would be the show na maglalabas ng side niya na hindi pa nakikita ng mga tao. "Hindi ko inexpect na ito pa 'yung show na talagang madadala ako sa lahat ng eksena!" She continues, "dito sa SRO, talagang pinayuhan nila ako na talagang ilabas 'yung side ko na nalulungkot din." Aminado si Ynna na hindi siya maiyak na tao, kaya nahihirapan siya sa heavily dramatic scenes. Pero for the role, ginawa niya ang makakaya niya, para maipakita ang side niya "na nasasaktan din, na nagkakaproblema din." "Grabe. Ang sakit pala ng ganoon!" Ynna tells us na nadadala raw niya 'yung bigat ng pakiramdam; but at the same time, she says she's very happy that she was able to pull it off. "Dahil nga siguro na nakapag-workshop po ako kay Tita Laurice, at talagang natulungan po ako doon." Looking Forward Ngayong nagawa na ni Ynna ang mature roles, she wants to keep doing it moving forward. At sa nalalapit na pagtatapos ng SRO Cinemaserye: Meet the Fathers, Ynna says she hopes that she gets to do another mature role in Diva. "Hindi ko pa po masyado sure," she tells us at the time of SRO's press conference, nang tanungin namin siya about her new role. "Basta ang alam ko pa lang sa Diva, partner ko si Mark Herras. Tapos parang ang nangyari doon, crush ko siya [pero] mag-best friends kami." She says her character will be set up for a lot of disappointments, kung hindi mababago ang plano. And the biggest disappointment would be when Mark's character would leave her character's side. But, she clarifies, "hindi ko pa po talaga sure." Pero it would be great, she tells us, kung matured rin ang magiging role niya sa Diva. "Kasi nagsimula na ako [sa SRO] e. Nakasal at nabuntis na ako e—I think kaya ko nang tumanggap ng medyo mature roles." Kayo, sa tingin niyo ba kaya na ni Ynna? Talk about it sa mas pinagandang iGMA forums! Not yet a member? Register here! Ynna's Message Bago namin tuluyang iniwan si Ynna, we asked kung mayroon ba siyang gustong iparating sa kanyang supporters, at ito ang kanyang mensahe: "Sa aking mga supporters, maraming salamat po." She tells us that someone set her up a Fan Page at Facebook, and "talagang I find time na ma-reply-an silang lahat." Ynna continues na natuwa raw siya to find out that some of her supporters have been supporting her since her Candies days. "Feeling ko [dati] kaunti lang [ang fans ko]," Ynna says. "Ang sarap ng feeling na marami pala sila." She adds, "kaya maraming-maraming salamat po sa suporta niyo. Sana suportahan niyo [pa] ako, lalo na po sa SRO. Maraming, maraming salamat po at mahal na mahal ko kayo." Don't forget that you can catch Ynna sa SRO Cinemaserye: Meet the Fathers every Thursday night pagkatapos ng Queen Seon Deok, and starting March 1, sa Diva na papalit sa Full House on GMA Telebabad.