Showbiz News

Archie Alemania, Gee Canlas ipinasilip kung ano ang maaaring maganap sa tapings

By Aedrianne Acar

Paano kaya haharapin ng mga celebrity ang kanilang trabaho sa pag-arte matapos ang ilang buwan na natigil sila sa trabaho?

LOOK: Gee Canlas and Archie Alemania prove love is sweeter the second time around

May funny pasilip ang Bubble Gang comedian na si Archie Alemania at ang misis niya na si Gee Canlas sa Instagram sa mga artista na na-miss ang pag-arte.

Ito siguro malamang ang mangyayari sa unang araw balik trabaho ng mga artista. Masyadong namiss ang pag arte!!!

A post shared by Archie Alemania (@archiealemania) on

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa 'Acting 101' video ng dalawa.


Matatandaan na ikinasal sina Archie at Gee sa Sta. Rosa, Laguna noong October 2018 at sa sumunod na taon ipinanganak naman ni Gee Canlas ang baby boy nila na si Caleb Archer.

Dahil sa komedya siya nalinya at nakilala, nakagawian na rin ni Archie Alemania na gumawa ng nakakatawung videos kasama ang kanyang pamilya sa kanyang Instagram account.