Showbiz News

Kyline Alcantara, natutong mag-slow down sa buhay dahil sa COVID-19 pandemic

By Dianara Alegre

Inamin ni Bilangin ang Bituin sa Langit star Kyline Alcantara na natutunan niyang pahalagahan ang kasalukuyan dahil sa tila pagtigil ng halos lahat ng mga karaniwang aktibidad ng publiko dahil sa ilang buwang community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Anang aktres, masyado siyang naghahanda para sa kanyang kinabukasan na nakakalimutan na niyang i-appreciate ang mga nangyayari sa kasalukuyan.

“Ako kasi, ako 'yung tipo ng tao na parang always thinking ahead. Like I don't live in the moment. I'm always parang, 'Okay what's next?'

“But ngayon talaga na-realize ko na parang we need to seize every moment in our lives kasi hindi natin malalaman na bigla na lang pala magkakaroon ng ganito,” sabi ni Kyline.

Kyline Alcantara on 18th birthday amid COVID-19 pandemic: "Hindi masyadong importante yung debut"

Kyline Alcantara gives update on her quarantine life in Bicol

Samantala, tuloy-tuloy ang ginagawang online concerts ni Kyline bilang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Matapos ang Healing Hearts at Bayanihan concerts, muling naghandog ang singer-actress ng awitin para sa Legion Music Festival na layong tulungan ang beneficiaries ng Cribs Foundation at Love Plus Charity Foundation.

Dagdag pa niya, ito umano ang paraan niya para makapaghatid ng tulong sa mga labis na nagangailangan.

“Kumbaga, lahat tayo kapit-kapit dito, let's not be scared. Basta magtulong-tulong tayo, malalagpasan din natin 'to,” aniya.

Hindi lang ito ang pinagkakaabalahan ni Kyline dahil sinusubukan na rin niyang matuto ng mga bagong skill gaya ng pagluluto at baking.

“I'm learning new things. 'Yung inaano ko sa sarili ko na, we need to learn new things. Halimbawa, with your craft.

“Hindi naman puwede na isa ka lang na singer. Pwede rin na mag-aral ka ng instruments, so now I'm learning how to play a guitar and piano,” dagdag pa niya.

Kyline Alcantara launches #123DanceChallenge

Panoorin ang buong 24 Oras report: