GMA Logo Rhian Ramos
What's Hot

Rhian Ramos, masaya na mas naging 'honest' ang social media habang quarantine

By Marah Ruiz
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated June 9, 2020 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


Napansin daw ni Rhian Ramos na mas naging 'honest' ang mga posts na nakikita sa social media ngayong may quarantine.

Ngayong may quarantine, ginagamit daw ni Kapuso actress Rhian Ramos ang social media sa pagbabahagi ng mga bagay na natutunan niya.

Ikinuwento niya ito sa isang interview kasama ang ilang piling miyembro ng media, kasama ang GMANetwork.com.

"Minsan 'pag mayroon akong positive realization, shina-share ko siya sa social media. Ako, nagiging honest ako sa mga followers ko. Kapag mayroon akong araw na medyo nade-depress ako or something, sinasabi ko siya. Tinataggap ko 'yung feelings tapos sinasabi ko siya sa IG Live," pahayag ni Rhian.

Umaasa siyang makatulong ito kahit sa maliit na paraan sa mga taong may pinagdadaanan.

"Kasi baka may nakaka-relate doon sa pinagdaanan ko tapos kailangan niya rin marinig 'yung realization ko kung hindi pa dumarating sa kanya," aniya.

Napansin din ni Rhian na may naging 'honest' din ang mga nakikita niya ngayon sa social media.

"Nakita ko naman din sa social media, people have been a lot more honest than we're used to. Kasi sa social media dati, 'yun 'yung avenue na pagandahan tayo ng buhay. Parang ganoon 'yung mga pino-post ng mga tao, kung ano lang 'yung masayang part ng buhay 'yun lang 'yung pino-post," bahagi niya.

Sa tingin daw niya, positibo ang pagbabagong ito lalo na sa panahong social media ang isa sa mga paraaan para manatiling konektado sa ibang tao.

"But now that we're all in the same boat, mas nagiging honest 'yung mga social media pages. They're just showing what they do from day to day. I encourage them to use it as a platform for honesty. Kasi that's the only way we can communicate to the outside world sa ngayon," paliwanag ni Rhian.

Panoorin ang buong panayam ni Rhian kung saan ibinahagi niya ang kanyang buhay habang naka quaratine dito:




Minsan nang inamin ni Rhian na nagkaroon siya ng problema sa pagtulog noong simula ng enhanced community quarantine pero agad naman nakapag-adjust.

Isa daw sa magandang naidulot sa kanya nito ang mas magandang komunikasyon sa kanyang nobyo na kasama niya buong quarantine.