
Viral online ang larawan ni Andi Eigenmann at partner niyang si Philmar Alipayo habang lulan ng isang motorsiklo sa Siargao.
Hinangaan kasi ng nakakita sa kanila na si Contessa Aubrea Paraico-Carnaje ang pagiging simple ni Andi, na bitbit ang isang malaking drum habang nakaangkas sa motorsiklo na minamaneho ni Philmar.
Ayon kay Contessa, "walang kyeme at arte" ang aktres sa kabila ng pagiging isang celebrity nito.
"Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby nya. Still gorg and classy bisan indi magporma!"
Sa isa pang hiwalay na post, sabi ng Facebook user, "I just admire how she live to be the simplest at hindi gimik lang yung mga vlogs nila kundi yun talaga sila sa totoong buhay. That this photo can atest to what she is right now."
Samantala, nakaabot ang post ni Contessa kay Andi, na tila tawang-tawa sa kanyang hitsura sa larawan, na ibinahagi rin niya sa kanyang Instagram Story.
Aniya, "When I want to buy things, I have to hold it. And pray I dont drop it cus patay tayo kay @chepoxz [Philmar]."
Kasalukuyang naninirahan si Andi sa Siargao kasama ang partner niyang si Philmar at anak nilang si Lilo.
IN PHOTOS: The modern family of Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Andi Eigenmann's daughter Lilo goes surfing with dad Philmar Alipayo
Andi Eigenmann relates island life amid COVID-19 threat