GMA Logo Kapuso Mo Jessica Soho
What's Hot

KMJS: Mga patok na negosyo kahit may pandemic, alamin!

By Dianara Alegre
Published June 9, 2020 7:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LPA, shear line, Amihan, easterlies to bring cloudy skies, moderate to heavy rains
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo Jessica Soho


Milk tea at soap business, ilan sa mga negosyo na pumatok sa gitna ng pandemic.

Dahil sa COVID-19 pandemic, maraming Pilipino ang pansamantalang nawalan ng hanap-buhay at ang ilang negosyong nagsara dahil walang kita.

Ngunit kahit naka-quarantine ang marami sa atin, may mga negosyante pa ring tuloy ang paghahanap-buhay kahit nasa bahay lang.

Gaya na lamang ng negosyanteng si Clarise Angusta na nagka-ideya at nagbukas ng milk tea business sa gitna ng pandemic.

Aniya, nagsimula lang ang lahat nang mag-crave ang kanyang mga anak ng milk tea.

“'Yung daughter ko kasi, mahilig talaga siya sa milk tea. Dito sa bahay, bago sila makakuha ng pagkain, kailangan nilang mag-work, magpunas ng lamesa,” aniya.

Pero dahil sumobra ang ginawang milk tea, sinubukan niyang ibenta ito online.

“Nakita ng mga neighbor naming tapos nag-message na sila sa 'kin na, 'Gusto rin namin 'yan. Puwede ba kami um-order?',” kuwento niya.

Dahil sa tiyaga, nagkaroon na ng 12 resellers si Clarise sa iba't-ibang panig ng Metro Manila.

“'Yung advantage ng online selling, wala kang babayarang pwesto. Wala masyadong kailangan bayarang workers. Pwede mong gawin on your own,” dagdag pa niya.

KMJS: Iba't ibang quarantine game show, nagsulputan online

Samantala, positibo naman ang naging epekto ng pandemya sa soap business ni John Fabico.

“Hindi namin expect na ganu'n kalaki 'yung magiging effect nu'ng pandemic. Lalong lumaki 'yung demand ng aming products nationwide. Halos mag-triple 'yung growth sales namin,” aniya.

MUST-WATCH: Top 10 most viral stories of 'KMJS' this 2019!

Kung paano nangyari ang lahat ng ito, panoorin ang espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho: