Showbiz News

Kristoffer Martin, malaki ang pasasalamat sa GMA dahil sa kanyang acting awards

By Aaron Brennt Eusebio

Pinasalamatan ng aktor na si Kristoffer Martin ang GMA Network na muli siyang binigyan ng pagkakataon upang maipakita ang kanyang galing sa pag-arte.

Ngayong ipinagdiriwang ng GMA Network ang ika-70 anibersaryo nito, proud rin si Kristoffer sa kanyang acting awards na natanggap dahil sa GMA.

Nanalo si Kristoffer ng Best Single Performance by an Actor award sa 30th PMPC Star Awards for Television noong 2016 sa kanyang pagganap sa Magpakailanman episode na "Mag-ama sa Loob ng Bilangguan."

Taong 2013 naman nang manalo si Kristoffer bilang Best Performance by an Actor in a Supporting Role sa 10th Golden Screen Awards para sa pelikulang Oros.

Saad ni Kristoffer, “Masarap maging Kapuso kasi mapagmahal ang Kapuso, kasi ang Kapuso ang nag-open ng doors ulit sa akin.

“Noong nanalo ako ng acting awards, dalawa,” sagot ni Kristoffer nang tanungin kung ano ang kanyang proudest Kapuso moment.

“Kasi siyempre, hindi magiging posible 'yun kung hindi dahil sa GMA.”

Panoorin ang #SolidKapuso video ni Kristoffer:

#Throwback: Kapuso stars' first show in GMA