Showbiz News

Hotter Than El Nino: Akihiro, Daniel and Fabio!

Are you ready para sa sizzling hot article straight from Brazil? Kilalalin ng masinsinan ang tatlo sa Most Wanted Brapanese hot hunks here in the Philippines. Makikita sila sa halos lahat ng billboard sa EDSA, at sa mga GMA hit primetime shows. Sino nga ba talaga si Akihiro Sato, Daniel Matsunaga at si Fabio Ide? The sizzling hot Trilogy that’s hotter than the El Nino Phenomenon. Text by Karyl Coseto and Monina Eugenio. Akihiro and Daniel's photos by Mitch Mauricio. Fabio's photo provided by Mercator Artist Management. Last March 4, nakilala namin ang Brazilian hunks na sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga at Fabio Ide sa isang exclusive press conference sa Dulcinea! Intimate ang presscon na ito that provided a relaxed atmosphere for the press and the three Brazilian hotties. Akihiro Sato Two years na siyang naninirahan dito sa Philippines pero hindi pa siya nagsasawa. Nang tinanong kung naka-experience siya ng culture shock sa pagpunta dito, sabi niyang hindi: “The culture here is not too different. The food, the way you accept people here—pareho lang sa Brazil”. Marami na siyang nagawa dito bilang modelo for a variety of magazines and television commercials, pero ngayon unti-unti na niyang tinatahak ang mundo ng showbiz. May papel na gagampanan si Akihiro sa upcoming primetime show, Panday Kids, on GMA. Exciting daw ang role na ito para sa kanya dahil, “It’s like a comic. There are action scenes and the kids have powers. I’m also in a loveteam with Jolina Magdangal in the show.” Kung ano ang role ni Aki sa Panday Kids? Yan ang abangan niyo. Daniel Matsunaga Imposibleng hindi niyo pa nakikita ang Brapanese hottie na si Daniel Matsunaga. Sa dami ng commercials at billboards niya ngayon, you can’t help but notice and kanyang piercing good looks na kahawig ni Dingdong Dantes. Sa 8 months sa pamamalagi niya sa Philippines, naikwento niya sa amin na ang best part ng pagtira dito ay ang pagiging friendly ng mga Pinoy at ang food. Pero ang challenging daw para sa kanya ay ang pag-acting. Dream role niya sana ay mag-lead sa isang war-time film. At ang kanyang ideal leading lady ay si Carla Abellana. Nang tanungin namin siya about the language barrier, sabi niya, “It’s hard to learn but we are studying and we are serious about it.” Three times a week nga daw siya kung mag-aral ng wikang Filipino. Mapapanood si Daniel sa primetime show sa GMA na The Last Prince. Ang kanyang role dito ay bilang si Prince Nikolai na na-inlove kay Princess Lara (played by Kris Bernal). Hindi rin makakalimutan ang kanyang role na werewolf sa nasabing primetime show at sabi ni Daniel sa kanyang prosthetics, “It takes two hours to put glue, hair, contact lens, fake teeth and body paint.” Fabio Ide Three months pa lang ang pag-stay ng international male model na si Fabio Ide sa Pilipinas, pero pang fourth time na niya palang nakakapunta rito. Pero before ng crazy world ng modeling, naikwento niya na nag-aral muna siya ng marketing at publicity sa isang university sa Brazil. Ngayon at 26 years old na siya at 7 years nang nag mo-model, he thinks that, “I’ve achieved a certain level in my career and I think I’m ready to go to the next level which is showbiz.” At part ng paghahanda niya for local showbiz, ay ang pag-aral ng Filipino language. Kitang-kita naman namin sa interview na interesado talaga siya rito dahil madalas siyang mag-interject ng Pinoy words sa kanyang sentences kahit na isang challenge ang language barrier sa kanyang pag-transition from modeling to acting. Kung si Aki at Daniel ay interesado sa mga action roles, ibahin mo si Fabio. “I think I could be the boy next door and at the same time, I would like to do drama and be the bad boy.” Hindi rin naman diyan natatapos ang learning experience niya sa pag-arte, according to him, gusto niyang maging isang flexible na actor who won’t be remembered for just one kind of role. Mukhang promising naman ang career ni Fabio with his Chace Crawford good looks, hindi mahirap na magustuhan siya ng mga Pinay and he’s one star to watch out for!