Showbiz News

Abangan ang 'Misty' sa GMA Heart of Asia

By Cara Emmeline Garcia

Mula sa GMA The Heart of Asia isang panibagong handog ang mapapanood ninyo ngayong buwan, ang Misty.

Ang bigating drama ay isa sa hatid ng GMA ngayong 2020 at pinagbibidahan ito ni Kim Nam-joo na nagkamit ng tatlong Baeksang Best Actress award at bumida sa Unexpected You noong 2013.

Sa Misty, gaganap siya bilang si Arianne Go, isang popular anchorwoman ng isang prime time news show. She has it all, a thriving career at picture-perfect relationship. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, behind that ideal facade ay isang taong may tinatagong madilim na sikreto.

Ano kaya ito?

Panoorin ang buong trailer nito:


Abangan ang Korean drama na dumadagundong ng pagnanasa at ambisyon, ang Misty, ngayong Hunyo na sa GMA Heart of Asia.