Showbiz News

Kaso laban kay Aljur Abrenica, ibinasura!

I"Okay na ako," ang sagot ni Aljur Abrenica sa resulta ng kaso niya. Nasa taping siya ng The Last Prince nang malaman niya ang naging desisyon ng korte sa kanyang kaso. "Actually, okay naman talaga ako. Mas natutuwa lang ako na lumabas na ang resulta, na lumabas na ang katotohanan." Ngayong naibasura na ang kaso laban sa kanya, ani ni Aljur na kakausapin niya muna ang kanyang abogado na si Atty. June Ambrosio. "Mag-uusap muna kami; gusto ko rin magpasalamat kay Atty. June." Pero bukod pa diyan, dagdag ng GMAAC actor, "nagpapasalamat po ako kay Lord para sa kanyang guidance." Pag-usapan si Aljur sa mas pinagandang iGMA Forum!Not yet a member? Register here! Be updated sa lahat ng ginagawa ni Aljur. Just text ALJUR ON [Your Message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.—Text courtesy of GMA Network.