Showbiz News

'Tween Hearts Academy Class of 2012' cast, nag-reunion online!

Nagkaroon ng online reunion ang cast ng Kapuso oriented show na “Tween Academy: Class of 2012” nitong Biyernes, June 19.

Sa pangunguna ni Direk Mark Reyes, muling nagsama-sama at nagpakilig ng fans sina Alden Richards, Barbie Forteza, Bea Binene, Derrick Monasterio, Joshua Dionisio, Joyce Ching, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez at Louise Delos Reyes.

Dahil matagal-tagal na rin mula nang magkasama-sama ay nagkamustahan sila at nagbahagi ng kani-kanilang mga pinagkakaabalahan ngayon.

Tampok din sa kanilang reunion ang pagbabalik-tanaw sa mga hindi nila malilimutang karanasan noong kasagsagan ng shooting at promotion ng pelikula.

Samantala, ipinahayag naman ni Kristoffer na natutuwa siyang masaya ang lahat sa kani-kanilang direksyon sa buhay na tinunton.

“Ang saya nu'ng nagkausap kami lahat kanina. Ang sarap isipin na lahat may kanya-kanyang path na kinuha at masaya sa mga 'yon.

“Ang sarap alalahanin nu'ng dati. Ang sarap sa feeling na mahal namin isa't isa. Dala namin 'to hanggang tumanda,” aniya.