Showbiz News

Wendell Ramos: 'Walang pinipili ang pagmamahal.'

Sa "SRO Cinemaserye presents Hot Mama," Wendell Ramos stars with comedienne Eugene Domingo, in an extraordinary story of love. Text by Loretta G. Ramirez. Photo by Mitch S. Mauricio. In the past three weeks, nasaksihan natin ang pagmamahalan nina Randy at Lola and we wonder if their story will have a happy ending. Nakakakilig, nakakatawa at most of the time nakakamangha, we often ask ourselves kung puwede nga bang mangyari ito sa totoong buhay? “Hindi imposible. Tulad ng sinabi ko dun sa press con, walang pinipili ang pagmamahal,” ang seryosong sagot ni Wendell Ramos during an exclusive iGMA.tv interview. Sa story kasi ng Hot Mama, si Lola played by Eugene Domingo, ay isang matandang dalagang sex therapist na na-in love sa kanyang avid fan na si Randy (Wendell Ramos). They got married and seem to have an ideal marriage despite their differences. Kaya naman tinanong namin si Wendell kung puwede ba itong mangyari sa kanya sa totoong buhay and he answered without hesitation na puwedeng-puwede ito “Walang masama doon. I mean kahit na 20 years pa 'yung gap niyo 'di ba? Marami namang taong ganun, [kahit] celebrity or simpleng tao lang 'di ba? Hindi naman sa edad ‘yun, ang importante 'yung pagmamahal. So possible talaga ‘yun,” ang sagot ni Wendell sa amin. He adds that he’s happy that he was able to convey this message in the show and at the same time he was able to work with an ace comedienne to prove this point. “I'm happy na nagtiwala siya sa akin, sa kakayahan ko. Alam naman natin na talagang hindi lang siya basta-basta na comedianne or isang simpleng artista. Alam nating magaling talaga siya at mahaba 'yung range nya sa larangan ng industriya.” Kaya naman proud si Wendell na anyayahan ang mga viewers na panoorin ang natitirang episode ng Hot Mama. “I'm inviting everyone na suportahan ang SRO. I'm sure mage-enjoy kayo dahil nangyayari sa totoong buhay ‘yung ganitong istorya. Magandang istoryang ito lalo na 'yung ending, siguradong mage-enjoy kayo.” Don’t miss the remaining episode of SRO Cinemaserye presents Hot Mama, this Thursday night, pagkatapos ng GMA Telebabad block. Pag-usapan ang Hot Mama sa pinagandang iGMA Forums! Not yet a member? Register here!