Showbiz News

Jak Roberto, itinuturing ang 'Meant To Be' bilang highlight ng kanyang career

By Cara Emmeline Garcia

Itinuturing ni Kapuso hunk Jak Roberto ang pagganap sa GMA series na Meant To Be bilang highlight ng kanyang career dahil ito ang nagbukas sa kanya ng marami pang oportunidad para ipakita ang kanyang talento sa industriya.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “[Ang proudest Kapuso moment ko] is nung nag-audition ako sa Meant To Be at nakuha ako bilang isa sa lead stars nito na si Andres dela Cruz, a.k.a. Andoy, na isang Pinoy na torpe at mapagmahal sa kanyang pamilya.

“'Yun kasi 'yung first lead role ko at 'yun din 'yung nagbigay ng opportunity para sa akin na mabigyan pa ng iba't ibang projects na ako naman ang leading man, and maraming pumasok na opportunity pa.

“So, 'yun 'yung masasabi kong highlight ng career ko at 'yun din 'yung naging way para maipakita ko 'yung talent ko sa mga Kapuso nating manonood.”

Ibinahagi rin ng Kapuso hunk actor ang kanyang mga natutunan sa network simula nang mapabilang siya sa Walang Tulugan with the Master Showman.

“Siguro 'yung pakikisama mo sa mga nakakatrabaho mo, supporters mo, sa mga manonood, at sa mga kaibigan mo sa show business.

“Kasi, dito sa trabahong ito, pakisamahan talaga, e. Dapat may respeto ka lalo na sa mga senior actor, at sa mga lagi mong nakakasama na mga cameraman at production staff.

“Sa ganung pamamaraan nagiging professional ka sa katrabaho mo at nagiging magaganda 'yung pakikisama mo sa kanila. 'Yun ang mga natutunan ko sa GMA.”

Panoorin ang buong mensahe ni Jak Roberto sa GMA sa pagdiwang nito ng ika-70 anibersaryo ngayong taon.


Jak Roberto tries to teach Barbie Forteza how to cook through video chat

Jak Roberto receives YouTube Gold Play Button