Showbiz News

Thea Tolentino shares experiences as a working student

By Dianara Alegre

Matapos pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral ay nakapagtapos na sa kolehiyo si Kapuso actress Thea Tolentino nitong Sabado, June 20.

Siya ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Business Administration Major in Public Administration sa Trinity University Asia.

“Minsan talaga galing taping, makakapunta na ako ng school walang ligo, gano'n. talagang tyinaga ko kahit duling na ako minsan.

“Tapos very considerate rin kasi 'yung mga professor. Tsaka may mga classmate ako na talagang willing to help kaya nairaos ko talaga siya,” aniya.

Kahit kumikita na bilang artista, ipinahayag ng aktres na iba pa rin umano ang may hawak na diploma.

“Ang education kasi it's a good learning opportunity para sa kahit na sino dahil madadala mo siya buong buhay mo,” dagdag pa niya.

Pero dahil sa COVID-19 pandemic, naudlot ang dapat sana ay memorable niyang graduation dahil sa halip na magdaos ng actual ceremony ay online na lang ito ginanap.

“Dapat nandu'n na kami sa stage, nakatoga. Hindi siya natuloy pero sinabi naman sa amin ng school na next year, magho-hold pa rin ng actual ceremony. Sana matuloy. 'Yung mga professors lang 'yung nandu'n and they announced all the names ng lahat ng graduates,” dagdag pa niya.

READ: Thea Tolentino proves to be this generation's leading kontrabida

Samantala, dahil tigil muna sa trabaho ay ibinahagi rin ni Thea ang plano niyang magbukas ng negosyo. Isa sa mga napipisil niya ay food business franchise.

“Sa mga ganitong pangyayari, maganda na may business ka na necessities kasi sila 'yung mga hindi nagsasara,” aniya.

Sumikat si Thea at nakilala ng publiko nang magwagi sa Protégé noong 2011. Mula noon, naging isa siya sa mga go-to kontrabida ng Kapuso network dahil sa kanyang mga kapuri-puring pagganap.

Ilang karakter na rin at proyekto ang kanyang nagawa kung saan siya hinangaan nang husto kabilang na ang Love and Lies (2013), Anna Karenina (2013), Pyra: Babaeng Apoy, The Half Sisters (2014), Hahamakin Ang Lahat (2016), Destined to Be Yours(2017), Haplos (2017), Asawa Ko, Karibal Ko (2018), at Madrasta (2019).

Congratulations, Thea!

Panoorin ang buong 24 Oras report: