Showbiz News

Ruru at Rere Madrid, tumulong na sa paglipat ng gamit sa set dahil sa bagong taping protocols

By Dianara Alegre

Bibida sa pinakabagong Maynila episode ang magkapatid na Ruru at Rere Madrid pero bago pa man sumalang sa taping ay sumailalim muna sila sa COVID-19 rapid test.

Para mapanatiling ligtas ang set at pagtatrabaho sa gitna ng pandemya, ipinatutupad ng GMA Network ang mga kinakailangang precautionary measures sa pagbabalik-taping.

Sa eksklusibong panayam sa 24 Oras, ikinuwento nina Ruru at Rere ang mga nangyayari sa set.

“Usually sa mga taping sobrang dami namin. Ngayon, isang cameraman, one director, tapos isang PA lang, tapos kami lang dalawa.

“Ganu'n lang kami ka konti and of course, 'yung dalawang nagtse-check kung tama ba 'yung ginagawa namin, kung safe ba, ganyan,” sabi ni Rere.

Ayon kay Ruru, dahil kakaunti ang crew, naging katulong din sila ng staff sa pag-aayos ng set gaya ng paglilipat ng mga gamit.

“Iba rin 'yung pagod to be honest dahil konti lang 'yung crew, hindi lang staff. Kailangan din naming tumulong.

“For example, simpleng paglilipat lang ng mga gamit. At the same time, kapag hindi kami nagte-take kailangan naka-mask kami para rin naman sa safety.

“Then 'yung mga shot kailangan medyo malayo talaga 'yung camera. Kung close up, kailangan talaga gamitan ng magandang lente para maganda 'yung close up.

“'Yung mga tipong ganu'ng bagay na medyo nakakapanibago,” aniya.

Samantala, naging komportable rin ang pagtatrabaho nila dahil silang magkapatid ang magkaeksena.

“Kami ang kagandahan, dahil magkapatid kam,i magkasama kami, puwede kaming magkaroon ng physical contact. Pero kapag nagkaroon na ng ibang kaeksena, paano na 'yon 'di ba? Medyo mahihirapan na,” dagdag pa ni Ruru.

Sa bagong Maynila episode, gaganap si Ruru bilang isang aspiring actor habang si Rere naman ay ang kapatid na tumatayong support system ng una sa gitna ng pandemic.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Glaiza de Castro contemplates the future of showbiz after COVID-19 crisis