Showbiz News

WATCH: 'Prima Donnas' stars, nag-unbox ng GMA Network's Affordabox

By Maine Aquino

Excited na excited ang Prima Donnas stars sa pag-unbox ng GMA Affordabox sa kanilang mga YouTube channels.

Sina Althea Ablan, Sofia Pablo, at Will Ashley ay ipinakita kung ano ang matatanggap ng mga Kapuso kapag sila ay umorder ng GMA Affordabox.

Bukod dito, ibinahagi rin nina Althea, Sofia, at Will ang features ng GMA Affordabox. Ito ay ang multimedia player, personal video recorder, nationwide emergency warning broadcast system, functional auto-on alert feature, digital display at info display enabled.

Ayon pa sa tatlo ay one-time purchase lang ang GMA Affordabox at wala itong monthly charge kaya naman sulit na sulit ito.

Panoorin sina Althea, Sofia, at Will sa kanilang unboxing ng GMA Affordabox: