Showbiz News

Mikael Daez teases sisters Megan and Lauren Young

By Maine Aquino

Diretsuhan sa panunukso si Mikael Daez sa magkapatid na sina Megan at Lauren Young.

Sa kanyang video na ipinost sa Instagram, makikitang nagsasayaw ang young sisters.

Ayon sa caption ni Mikael, "'Pag may gusto silang patayin na lamok.. 🤦🏻‍♂️"

Pagpapatuloy niya pa ito raw ang dahilan kung bakit wala ang dalawa sa Sunday variety shows. Agad rin naman itong bumawi at sinabing wala rin siya sa mga ganong klase ng programa.

"#KayaPalaWalaSilaSaSundayVarietyShows ️️️ #WalaRinNamanAko"

Hindi naman nagpahuli ang dalawa sa pag-comment sa post ni Mikael.

Megan and Lauren Young's reaction to Mikael's post

Saad ni Lauren, "THANKS"

Puno naman ang tawa ang caption ni Megan sa pang-aasar ng kanyang asawa.