GMA Logo glaiza de castro facebook hacked
What's Hot

Facebook page ni Glaiza De Castro, na-hack

By Jansen Ramos
Published June 29, 2020 12:50 PM PHT
Updated June 29, 2020 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Jericho Francisco Jr. gets another skateboarding gold for PH
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro facebook hacked


"Paano nila nagagawa to," malungkot na tweet ni Glaiza De Castro nang ma-hack ang kanyang Facebook page, ilang araw matapos ma-recover ang kanyang hacked Instagram account.

Apat na araw matapos hingan ng ransom para ma-recover ang kanyang hacked Instagram account, pinuntirya naman ng hacker ang Facebook page ni Glaiza De Castro.


"Omg parang Facebook page ko naman na hack. No longer have access to it," tweet ng Kapuso actress noong Linggo, June 28, kalakip ng isang worried face emoji.

Sa sumunod na tweet, ibinahagi ni Glaiza na nakatanggap siya ng email mula sa Facebook na nagsasabing tinanggalan siya ng access sa kanyang page ng isang nagngangalang Md Roni Khan.


Narito ang buong email:

"You've been removed from Glaiza by Md Roni Khan on Facebook Business Manager. This means that you won't have access to any ad accounts or Pages that you were working on as part of the business. If you don't think you should have been removed, please contact your Business Manager admin."

Sa ngayon, may 819,005 likes at 863,268 followers ang Facebook page ni Glaiza, kung saan ipino-post niya ang kanyang videos, song covers, at iba pang activity kaya naman lubos ang kanyang pagkadismaya.

Aniya, "Paano nila nagagawa to [crying face emoji]."

Noong Linggo, sa ganap na 7:59 p.m., apat na oras bago inanunsyo ni Glaiza sa Twitter ang hacking indicent, nakapag-post pa si Glaiza sa kanyang Facebook page ng isang video, kung saan kinakanta niya ang "Spoliarium," na original ng Eraserheads, kasama ang all-female band na The Penny Lanes.

Nagbigay naman ang suhestisyon ang concerned netizens kay Glaiza para hindi na maulit ang naranasang cyber hacking tulad ng paggamit ng Google Authenticator para ma-secure ang email account.

Glaiza de Castro recovers hacked IG account; warns public about cyber crimes