Showbiz News

Neil Ryan Sese, Jayvee Sumagaysay, nagtayo ng food delivery business

By Dianara Alegre

Change career muna si Descendants of the Sun (DOTS PH) actor na si Neil Ryan Sese at professional volleyball player na si Jayvee Sumagaysay ngayong pandemic.

Sa ngayon, ang kanilang mga food delivery business muna ang pinagkakaabalahan nila.

“Naisip ko 'yung seafood. Kumuha kami ng puwesto pero hindi pala siya magwo-work kasi lockdown.

"What if i-try natin na online siya tapos i-deliver natin kasi marami namang gumagawa noon,” sabi ni Neil.

Ibinahagi rin ni Neil na co-stars niya sa DOTS PH ang ilan sa kanyang mga suki.

“Si Dingdong Dantes, si Jennylyn Mercado, si Carlo Gonzales, sila 'yung mga sobrang laki ng itinulong sa akin.

“Hindi ko alam paano ako makakabawi sa kanila.

"Si Dingdong, hindi ko alam nag-o-order siya, ang ginagamit niyang name, 'yung name ng helper niya. Nahuli ko lang du'n sa address,” aniya.

#SolidKapuso: Neil Ryan Sese | GMA 70th Anniversary

Samantala, ayon naman sa Philippine Men's National Volleyball team member na si Jayvee, naisipan niya magbenta ng home-cooked meals dahil sa Kuya niyang chef.

“'Yung Kuya ko kasi chef, e, hindi siya nakasakay ng barko.

"Nu'ng April dapat alis niya. Kaya kaysa matengga, magamit naming 'yung skill niya,”

“More on silog ako. Parang magbabahay-bahay na ako. Gigising ng maaga, mangungulit ako sa kanya-kanyang bahay,” ani Jayvee.

Pero sa gitna ng pagde-deliver nitong June 23, ay naaksidente si Jayvee sakay ng motorsiklo nang abutan ng malakas na ulan.

“Nawalan ako ng preno and pumutok 'yung battery ng motor ko. Tapos nag-slide ako sa daan and swerte na rin dahil 'yung dumaan na truck sa gilid ko, hindi ako du'n nag-slide. Pa-forward lang 'yung slide,” sabi pa ni atleta.

Hindi naman nakalimot na tumulong si Jayvee dahil ibinabahagi niya ang kinita niya sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng pag-aabot ng ready-to-eat meals.

Kabilang na rito ang mga frontliner sa ospital, mga bata sa Hospicio de San Jose, homeless people, LBBTQIA+ senior citizens sa Maynila, at mga stranded sa airport.

ECQ Stories: Volleyball player Jayvee Sumagaysay delivers food for his business

A post shared by Jayvee Guiao (@jayveesumagaysay) on