Showbiz News

Mga direktor, dapat ding mag-adjust sa 'new normal' ayon kay Lolit Solis

By Marah Ruiz

Bukod sa mga artista, dapat din daw matutong mag-adjust sa new normal ang mga direktor ng mga teleserye at pelikula.

Pahayag ito ng beteranong showbiz writer at celebrity manager na si Lolit Solis.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang kanyang mga kuro-kuro tungkol sa taping na naka "lock in."

Ibig sabihin nito, nasa isang lugar lang ang taping at maging ang tinutuluyan ng cast at crew ng isang produksiyon. Hindi rin sila maaaring umalis dito hanggang matapos ang nakatakadang araw ng trabaho.

Isa ito sa precautions ng ilang television shows para makiawas sa COVID-19 sa kanilang set.

"Hindi lang artista ngayon kundi mga director ang dapat meron reality bites Salve. Kung dati ok lang iyon paulit ulit na take, iyon kaartehan na dapat tagalan ang eksena, iyon puwede take your time , ngayon dapat ayos na ayos ang sked ng bawat taping o shooting," sulat ni Nanay Lolit.

Wala daw dapat masayang na oras sa ganitong sistema ng taping.

"Imagine mo kung naka lock in ang isang artista at hindi siya gagamitin masyado ng director , iyon inip at nasayang na oras ng artista grabe di bah! Tiyak na magkakaruon ng mutiny sa set dahil sure na pag nakaramdam ng cabin fever ang mga nanduon, magri reklamo iyan," aniya.

Dapat daw ma-maximize ang oras ng isang artista na naka lock in. Obligado kasi ang mga itong manatili sa set, pero hindi bayad ang mga araw na wala silang ite-tape ng mga eksena.

"Ok na nga mag sacrifice sa lock in, okey narin mag discount sa talent fee, ok na rin low standard iyon place na accomodation nyo , o tipirin ang budget ng catering, pero iyon mag aksaya ka ng oras na walang ginagawa, eh no taping, no pay, wow , trouble in paradise iyan," pahayag ni Lolit.

Sa tingin daw niya, matiding pagpa-plano ang kailangan para maging maayos ang taping kapag naka lock in.

"Kaya dapat talaga , bago simulan ang taping, bago mag isip na paandarin ang production, dapat talaga iron out lahat ng kinks, lahat ng puwede gawin. Or else , masasayang lahat ng pagod," pagtatapos niya.


Minsan nang inilahad ni Lolit ang kanyang saloobin tungkol sa "price cut" o pagbabawas ng talent fee ng mga artista ngayong hirap ang industriya ng showbiz dahil sa COVID-19.