Showbiz News

Rich Asuncion, nagtatrabaho bilang waitress sa Australia: ''Di na ako nagpaka-choosy'

By Dianara Alegre

Kasalukuyang naninirahan ang aktres na si Rich Asuncion kasama ang asawa niyang rugby player at Filipino-Australian na si Benjamin Mudie at anak nilang si Bela sa Australia.

Noong, June 19, 2020, ipinahayag ni Rich sa isang mahabang post ang kalagayan niya ngayon sa naturang bansa sa panahon ng COVID-19 pandemic. Dito niya rin ibinahagi na nagtatrabaho siya doon bilang isang waitress.

“Simulan natin ang post na ito nang masaya. Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo...at sa wakas ay 'di na ako nalulugmok sa lungkot.

“Malaking bagay 'to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya. Lalo pa at nag-adjust pa lang ako dito sa Australia.

“Tagal ko rin naghanap ng work. Kailangan mo 'yun dito dahil 'pag sa bahay ka lang mas lalo kang malulungkot. Marami naman kasing opportunities dito basta 'di ka lang mapili. So 'yun na nga, dahil 'di na ako nagpaka-choosy, sinubukan ko na ang pagwi-waitress. Casual job at a restaurant,” aniya.

Noong una ay nahirapan umano siyang tanggapin ang sitwasyon ngunit kalaunan din ay napagtanto niyang wala namang masama sa pinasukan niyang trabaho.

“Nu'ng una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon, ano naman ang masama du'n. Part pa rin naman sya ng Tourism course na kinuha ko sa UP. At wala akong karapatan mag-inarte kasi nabigyan ako panibagong chance to start anew.

“My point here is, I know most of us will need to adjust to a new/different life after this pandemic. And that's not all that bad. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on and say I am still a champion.

“Be grateful because some people have lost more than you already have. Sa ngayon ay tanggap ko na at masaya na ko sa bago kong buhay kasama ang aking pamilya,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagpasok sa bago niyang trabaho ay nakapag-enroll na rin si Rich para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at nagsisimula na rin silang bumili ng bahay ng kanyang asawa.

“Nakapag-enrol na rin ako to continue my studies and last week, I was offered a full-time job at a Daycare where I can work closely with Bela.

“Life is indeed a journey full of highs and lows but you should never stop moving and you always keep moving forwards.

“P.S. Ben and I have also just put down a reservation for our future home here in Australia. What a blessing!” sabi pa ni Rich.

Lumipad patungong Australia si Rich at kanyang pamilya noong February 2020 at hindi pa nakababalik sa Pilipinas dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon din sa aktres, hindi niya tinalikuran ang showbiz at pansamantala munang mamamalagi sa Australia.

Idinaos nina Rich at Benjamin ang kanilang private wedding sa Hong Kong noong May 2018 habang isinilang si Brie noong December 2018.

Silipin ang buhay ni Rich Asuncion sa Australia: