advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Actors who portrayed gay roles

1 of 51

Christian Bables

Sa pelikulang 'Die Beautiful,' napabilib ni Christian Bables ang mga manonood sa kaniyang karakter na si Barbs. Dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte, lumikom siya ng kaniyang first acting award bilang "Best Supporting Actor."

1 of 51

Coco Martin

Bago pa man siya nakilala ng lahat, gumanap si Coco Martin bilang isang secret lover ng isang doktor sa 2008 indie film na 'Daybreak.'

1 of 51

Darren Criss

Mapatelebisyon man o pelikula, kilala si Filipino-American actor na si Darren Criss sa kanyang mga gay role. Maliban sa 'Glee', kilala rin ang Fil-Am actor sa portrayal niya bilang si Andrew Cunanan sa 'The American Crime Story: The Assasination of Gianne Versace.'

advertisement
2 of 51

Mikoy Morales (Phoenix Features)

Inamin ni Kapuso actor Mikoy Morales na nag-e-enjoy siya sa pagganap ng gay roles sa telebisyon at pelikula. Sa indie film na '4 Days,' nakatambal niya si Sebastian Castro, isang openly-gay actor. Gay rin ang role ni Mikoy sa hit weekly sitcom na 'Pepito Manaloto.'

2 of 51

King of Comedy

Si Dolphy ang tinaguriang King of Comedy sa bansa. Hindi lang siya mahusay na artista, isa rin siyang mapagmahal na partner at ama. Siya ay may 18 na anak.
2 of 51

Dolphy

Pagdating sa gay roles, hindi puwedeng mawala ang pangalang Dolphy. Sa katunayan, naging kilala siya sa gay roles na ginampanan niya sa mga pelikula tulad ng Nanay Kong Tatay, Facifica Falayfay at Markova: Comfort Gay, kung saan umani siya ng iba't ibang papuri.

advertisement
3 of 51

Eddie Garcia

Isa si Eddie Garcia sa mga unang gumanap sa gay roles sa pelikulang Pilipino. Isang closet gay character ang kanyang ginampanan sa 1971 film ni Lino Brocka na Tubog Sa Ginto. Umani ng papuri ang kanyang pagganap sa papel na ito.

 

4 of 51

Born Beautiful

Bida si Martin sa pelikulang 'Born Beautiful,' ang sequel ng blockbuster movie na 'Die Beautiful.' Ibinunyag ng aktor sa isang interview na marami siyang matitinding eksenang ginawa para sa pelikula. Isa na riyan ang kissing scenes nila nina Akihiro Blanco at Kiko Matos.

5 of 51

Kelvin Miranda

Sa parehong episode ng 'Magpakailanman,' gumanap si Kelvin Miranda bilang si Ola na isang gay basketball player.

advertisement
5 of 51

Gabby Eigenmann

Sino ba naman ang makakalimot kay Dading na ginampanan ni Gabby Eigenmann? Dahil sa taglay niyang husay sa pagganap sa television series, napanalunan niya ang Teleserye Actor of the Year award noong 2015.
6 of 51

Buboy Villar

Gumanap si Kapuso actor Buboy Villar (right) sa special episode ng Magpakailanman na “Beki Basketball” kasama si Donita Nose.

6 of 51

Kontrabida

Ang versatile actor na ito ay kilala sa kanyang kontrabida roles. Maliban sa pagiging busy sa kanyang showbiz career, naglalaan din si Gabby ng quality time kasama ang kanyang pamilya.
advertisement
7 of 51

Dave Bornea

Gumaganap bilang Inda, isang mapagmahal at maalalahaning gay Badjaw si Kapuso actor Dave Bornea sa Kapuso series na 'Sahaya'.

8 of 51

Dante Basco

Gumanap bilang isang gay teenager ang Filipino-American actor (pangalawa mula sa kanan) sa 1999 American satirical romantic comedy na 'But I'm a Cheerleader'. Tumatalakay ang pelikula sa pagpapadala ng mga magulang ng LGBTQ teens sa isang conversion therapy camp.

8 of 51

Tom Rodriguez

Ang Kapuso heartthrob na si Tom Rodriguez ay kabilang sa mga most sought-after leading men sa bansa. Kabilang sa mga pinagbidahang programa niya ay ang My Destiny at Marimar.
advertisement
8 of 51

TomDen

Sino ang makalilimot sa tambalang TomDen? Tulad ng onscreen partner niyang si Dennis Trillo, naging household name din ang pangalan ni Tom Rodriguez dahil sa papel niya bilang Vincent sa controversial na Kapuso TV series, My Husband's Lover.

 
9 of 51

Sef Cadayona

Alam n'yo ba na bago pa naging Stefani sa Vampire Ang Daddy Ko at Selfie Moran sa Bubble Gang, ang unang gay role na ginampanan ni Sef Cadayona ay para sa GMA Telebabad series na Time of My Life? Sa show na ito, siya ay si Harry, ang gay best friend ng bidang si Shane (Kris Bernal). 

 

10 of 51

Sef Cadayona

Maliban sa pagiging magaling na dancer at aktor, kilala na rin si Sef Cadayona bilang isa sa mga pinaka-talented na komedyante sa kanyang henerasyon. Kaya naman marami ang humahanga sa kanya dahil sa kanyang angking galing sa larangan ng pagsasayaw at pag-arte. 
advertisement
11 of 51

Hiro Peralta

First time ni Hiro Peralta na gumanap bilang isang gay sa GMA Telebabad soap na Pari 'Koy. Dito, siya ay si Sam, ang nakababatang kapatid ni Father Kokoy. Dahil sa kanyang mahusay na pagganap, marami ang nakapansin ng kanyang talento pagdating sa acting.
12 of 51

First lead role

Dahil sa husay na ipinakita niya sa kanyang past projects, kabilang na ang Pari 'Koy, nakuha ni Hiro ang kanyang first leading man role sa GMA Telebabad series na Little Nanay.
13 of 51

Ken Chan

Naging usap-usapan ang controversial role ni Ken Chan bilang ang bading na si Joey sa GMA Afternoon Prime series na Destiny Rose. Marami rin ang humanga sa kanyang pagganap bilang ang transgender na si Destiny Rose. Ang pinag-usapang transformation niya ang nag-trend din sa Twitter both nationwide at worldwide.
advertisement
14 of 51

Destiny Rose

Bago pa ang Destiny Rose, kilala si Ken Chan bilang isa sa mga teenage heartthrobs ng Kapuso Network kung saan naging ka-love team din niya ang ilang Kapuso young actresses. Ang Destiny Rose ay maituturing na kanyang pinakamalaking break sa ngayon.
15 of 51

Mikael Daez

Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang macho guwapito na si Mikael Daez ay gumanap na isang loveable na beki na si Bernie sa 'Ismol Family?'

16 of 51

Leading man

Dahil sa taglay niyang kakisigan at kaguwapuhan, maraming babae ang kinikilig kay Mikael Daez. Sa katunayan, kabilang siya sa pinakasikat na leading men ng GMA Network.
advertisement
17 of 51

Kempee De Leon

Ang sabi nga nila... like father, like son. Tulad ng ama niyang si Joey de Leon, magaling na artista rin si Keempee de Leon. At tulad ng ama, sumabak din siya sa gay roles. Nag-marka ang papel niya bilang Zandro/Zsa-Zsa sa My Husband's Lover at Harold sa Bahay Mo Ba 'To?
18 of 51

Matinee idol

Tulad ng ama, may taglay rin na talento si Keempee de Leon sa larangan ng acting at hosting. Magaling din siyang komedyante. Isa rin si Keempee sa pinakasikat na matinee idols noong 1980's.
19 of 51

Joey de Leon

Pagdating sa pagganap sa gay roles, hindi maaaring mawala ang pangalan ng henyo na si Joey de Leon. Ilan sa mga pelikula kung saan gumanap siya na isang beki ay ang Bilibid Gaysat Tangga and Chos: Beauty Secret Agents. Maliban sa beki roles, kilala rin si Joey sa cross-dressing roles niya tulad ng Barbi: Maid in the Philippines at She-Man: Mistress of the Universe. 
advertisement
20 of 51

Versatile

Multi-talented talaga si Joey de Leon. Maliban sa pagiging isang host, songwriter at comedian, napaka-versatile rin niyang aktor. Si Joey ay may limang anak, kabilang na rito ang aktor na si Keempee de Leon.
21 of 51

Dennis Trillo

Siyempre, kung may Vincent, hindi puwedeng mawala si Eric! Umani ng iba't ibang parangal ang pagganap ni Dennis Trillo sa kanyang controversial gay role. Buong mundo ang  nakapanood ng love story nila ni Vincent sa My Husband's Lover. Sa katunayan, nabigyan pa siya ng Highly Commended recognition (Best Actor in a Lead Role category) sa 19th Asian Television Awards ng Television Asia Plus. Nanalo rin si Dennis ng Best Actor award mula sa Metro Manila Film Festival para sa role niya bilang isang cross-dressing gay spy sa period movie na Aishite Imasu 1945.
22 of 51

Eligible bachelor

Si Dennis ay kabilang sa most-sought after leading men ng Kapuso Network. Ang guwapo at machong Kapuso actor na ito ay isa sa most eligible bachelors ng bansa.
advertisement
23 of 51

Gardo Versoza

Kung macho si Gardo Versoza sa pelikulang Machete, kaya rin niyang maging si Mother Lexi, ang mareshki na beki ni Dading. Marami ang humanga kay Gardo sa pagganap niya sa papel na ito. 
24 of 51

Asia's Sexiest Man

Sa panahon ng kanyang kasikatan, kilala si Gardo Versoza bilang "Asia's Sexiest Man." Ito ay dahil sa ganda ng kanyang katawan at karamihan sa mga proyekto niya ay sexy at action films.
25 of 51

Michael V

Magpapahuli ba naman ang Master of Disguise pagdating sa pagganap sa gay roles? Sa Bubble Gang pa lang, iba't ibang papel na ang nagawa ni Michael V, kabilang na rito ang kanyang karakter bilang Donya Ina.
advertisement
26 of 51

Master of disguise

Ang Master of Disguise ay isang family man din! Si Bitoy ay happily married sa kanyang maybahay na si Carol at meron silang apat na anak.
27 of 51

Kevin Santos

Isa sa unforgettable characters sa My Husband's Lover ay si Danny, ang gay best friend ni Eric (Dennis Trillo). Ito ay ginampanan ng Kapuso actor na si Kevin Santos
28 of 51

StarStruck

Si Kevin ay produkto ng GMA artista-based reality search na StarStruck. Kung isa siyang beki sa My Husband's Lover, macho roles naman ang madalas niyang gampanan sa television shows ng GMA.
advertisement
29 of 51

Kristoffer Martin

Naging maganda ang feedback ng viewers noong gumanap na isang bading ang Kapuso young star na si Kristoffer Martin sa isang episode ng Magpakailanman na "Siga Noon, Beki Ngayon." Ayon sa kanya, isa iyon sa pinaka-challenging roles na nagawa niya.

30 of 51

Acting career

Si Kristoffer Martin ay isa sa pinakasikat na young male actors ng Kapuso Network. Marami ang nagsasabi na malayo ang mararating ng kanyang career dahil sa galing niya sa kanyang acting. Marami na ring naging lead roles ang Kapuso actor kung saan naging ka-love team niya sina Joyce Ching, Kim Rodriguez at Julie Ann San Jose.
31 of 51

Mike Tan

Naka-ilang gay roles na rin si Mike tulad ni Paul Tanchingco ng 'The Rich Man's Daughter' at si Becca Tubato sa 8 Shades of Gay: The Tubato Family Story episode ng 'Magpakailanman.'

advertisement
32 of 51

First-time dad

Sa ngayon, happily married at may anak na rin ang Kapuso actor.

33 of 51

 Jeric Gonzales

Kasama rin si Jeric sa mga gumanap sa 8 Shades of Gay: The Tubato Family Story episode ng 'Magpakailanman' kung saan sa labing tatlong anak ng isang pamilya, may isang tomboy at walong bading.

36 of 51

Films

Bukod sa 'Die Beautiful,' gumanap din si Paolo bilang gay sa mga pelikulang 'Barbi D' Wonder Beki', 'Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?,' 'My 2 Mommies,' 'Amnesia Love,' at iba pa.

advertisement
37 of 51

Paolo Contis

Matatandaang gumanap bilang gay villain si Paolo Contis sa 2007 GMA action-fantaseries na 'Fanstastic Man.' Nakapareha din niya si Ping Medina sa isang episode ng weekly drama anthology na 'Wagas.' Ginampanan nila ang istorya ng LGBT couple na sina Myke Sotero at Jojo Rugay.

38 of 51

 Magpakailanman

Nakapareha ni Paolo Contis si Kristoffer Martin para sa isang episode ng 'Magpakailaman.'

39 of 51

Joem Bascon and Jake Cuenca

Pinag-usapan ang love scene nina Joem Bascon at Jake Cuenca sa 2013 film na 'Lihis.' Anila sa isang interview, first-time daw nila itong gawin.

advertisement
40 of 51

 Professional

Wala raw malisya sa kanila ang paggawa ng intimate scenes dahil pawang magkaibigan sila at ginawa lang nila kung ano ang kailangan nilang gawin.

41 of 51

Herbert Bautisa

Naging popular ang former Quezon City Mayor na si Herbert Bautista sa kaniyang pagganap bilang Jill o Julian Gilario, isang drag queen, sa '80s version ng 'Jack & Jill' kasama si Sharon Cuneta.

42 of 51

Dolphy

Orihinal itong ginampanan ng King of Comedy na si Dolphy noong 1954.

advertisement
43 of 51

Ronaldo Valdez

Ginampanan ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez ang isang queer role sa 1984 Danny Zialcita film na 'May Daga sa Labas ng Lungga.'

44 of 51

 Janno Gibbs

Nakuha naman ng anak ni Ronaldo Valdez na si Janno Gibbs ang kaniyang pagiging versatile actor. Matatandaang binigyang-buhay ng actor-singer ang papel ni Lollipop sa Balakubak segment ng 'Nuts Entertainment'. Ika ni Janno, komportable raw siya sa mga gay roles.

48 of 51

EA Guzman

Gumanap ng gay roles si EA Guzman sa pelikulang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” at “Deadma Walking.”

advertisement