Showbiz News

Matt Lozano, masaya na nakabalik siya ng showbiz

By Maine Aquino

Ibinahagi ni Matt Lozano ang kanyang pagbabalik sa showbiz at ang kanyang pinagdaanan kung bakit siya biglang nagdesisyon na itigil pansamantala ang kanyang career.

Si Matt ay ang kinilalang grand winner ng Spogify feat. Singing Baes ng Eat Bulaga. Bukod dito, naging parte na rin sa iba't ibang pelikula pati na rin TV shows ng TV5.


Kuwento ni Matt sa exclusive interview ng GMANetwork.com, pagkatapos ng kanyang pagkakapanalo ay nakaranas umano siya ng depresyon.

"I was with Eat Bulaga before, I was the grand winner of Spogify feat. Singing Baes. After nun, nung time na 'yun actually depressing for me because I stopped making music, I stopped acting. Feeling ko nawala ako sa spotlight. Nagpalamon ako sa depression ko that time."

Pagpapatuloy ni Matt, masaya siya ngayon dahil parte na siya ng GMA Artist Center.

"Sobrang happy ako ngayon kasi nandito ako ulit. I got signed up with Artist Center and they're taking care of me," saad niya.

Sa ngayon ay busy si Matt sa pagpapakita ng kanyang husay sa pagkanta sa Instagram. Sa paggawa niya ng covers ay nais umano niya ipakita na isa talaga siyang musician bukod sa pagiging artista.

"Tumigil kasi ako actually ng showbiz for four years, and I was a full-time musician bago ako mag-sign up with GMA. Kaya ko ginagawa yung mga covers para alam rin ng mga tao na kaya ko ring kumanta, kaya ko ring mag-play ng guitar.

Short cover of Stop This Train (@johnmayer ) #parakaytatay

Isang post na ibinahagi ni Matt Lozano (@mattlozanomusic) noong


Dagdag pa ni Matt nais niyang ma-entertain ang mga tao kahit naka-quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

"I don't want the entertainment na mawala completely so this is my way of sharing my talent para rin na-e-entertain 'yung mga tao na nasa mga kanya kanyang bahay rin."




How to put up an online food business according to Matt Lozano