Showbiz News

Mikee Quintos, naiyak nang alalahanin ang encounter sa isang 'Onanay' fan

By Marah Ruiz

Itinuturing ni Kapuso actress Mikee Quintos na swerte ang sarili na mapasama sa hit GMA Telebabad series na Onanay.

Matagumpay ang naging run nito sa Pilipinas at patuloy din itong minamahal ngayon sa ibang bansa tulad ng Ecuador at Dominican Republic.

Inalala ni Mikee ang 'di niya malilimutang encounter sa isang fan ng Onanay na nangyari habang kumakain siya sa isang restaurant sa mall.

"Actually, anak niya 'yung unang lumapit. Sabi niya puntahan ko lang daw siya sa katapat na restaurant. They were having dinner, I think, celebrating something. 'Yung mom niya daw is a super fan of Onanay," kuwento ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Pinagbigyan naman niya ang simpleng pakiusap nito.

"Si mommy (fan) napatayo agad. She was disabled pala. Hirap siya maglakad. Nag-senyas na 'ko na ako na lang po 'yung lalapit. Right then and there, noong lumapalit ako sa kanya, humagulgol siya. Umiyak siya with the sight of me lang. In that moment nakita ko 'yung influence and 'yung importance ng kung ano 'yung ginagawa natin, 'yung trabaho bilang Kapuso," bahagi ni Mikee.

Niyakap daw siya ng fan at hindi rin niya napigilang madala ng emosyon nito.

"Hindi naman niya 'ko kilala as Mikee. Bakit siya ganoon ka affected with the sight of me? Na-realize ko na 'yung iyak niya na 'yun, feeling ko dahil fan nga siya ng Onanay, si Maila 'yung nakita niya sa akin," aniya.

Ikinagalak daw niya na nabigyang-buhay niya nang maayos ang karakter niya sa serye.

"It just felt good. Ibig sabihin I'm doing my job pretty well naman. Napakita ko sa kanya 'yung story ni Maila, 'yung pagkatao ni Maila at naging totoo 'yun for that person sa level a maging ganoon siya ka-affected na maikta lang niya ko in person," ani Mikee.

Dito din daw niya na-realize na may epekto sa mga tao ang kanyang trabaho bilang artista.

'Yun 'yung effect natin sa mga tao. Nata-touch natin 'yung mga buhay nila, 'yung mga puso nila. I wanna keep doing that until I grow up. I wanna make them laugh, make them cry, make them feel human," pahayag niya.

Sa tingin din daw niya, ito ang purpose niya sa buhay.

"Nafi-feel ko na ito 'yung purpose na binigay sakin ni God sa buhay ko. 'Yung talents na binigay niya sa akin, doon ko gustong gamitin," aniya.

"'Yan 'yung dahilan, ito 'yung dahilan kung bakit ako artista, bakit ako nandito, bakit ako pinanganak. Gusto ko buhayin 'yung puso ng mga tao through my craft," dagdag pa ni Mikee.

Panoorin ang buong kuwento ni Mikee sa encounter niya sa isang Onanay fan sa eksklusibong video na ito: