Showbiz News

Juancho Trivino at Joyce Pring, masaya na nakilala ang isa't isa sa GMA

By Aaron Brennt Eusebio

Malaki ang pasasalamat ng mag-asawang Juancho Trivino at Joyce Pring sa GMA Network dahil nakilala nila ang isa't isa nang naging magkatrabaho sila sa programang 'Unang Hirit.'

Noon pa man ay crush na ni Juancho si Joyce ngunit nakilala niya lang ito nang husto noong naging magkatrabaho sila sa morning show ng GMA.

“For us, being a Kapuso means mayroon kaming chance to make other people happy, na napapasaya natin 'yung mga Kapuso natin,” saad ni Joyce.

“And it also means that we are part of an organization, of a network that really loves to make people happy, to entertain them, to educate them with their public service.

“And siyempre, it also means that that's where our love story started.

“Naging magkapuso kami dahil sa Kapuso network.”

Nagbigay rin ng mensahe ang mag-asawa sa ika-70th anniversary ng GMA Network.

Panoorin:

Ikinasala sina Juancho and Joyce noong February 9 sa isang Christian ceremony sa Sofitel Philippine Plaza Manila in Pasay City.

IN PHOTOS: The official snaps of Joyce Pring and Juancho Trivino's wedding