Showbiz News

Rich Asuncion eyes teaching career in Australia

By Dianara Alegre

Kasalukuyang naninirahan sa Australia si Rich Asuncion dahil doon na siya inabutan ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

At para maging productive at magkaroon ng income, iba't ibang trabaho ang sinubukang pasukin ni Rich at ngayon ay nagtatrabaho siyang roon bilang isang waitress.

Hindi raw ito ang unang trabaho na pinasukan niya dahil sinubukan niya na ring maging sales representative.

“Na-try ko mag-sales representative. I was selling solar panels pero hindi ako nagtagal kasi we go door to door knocking and hindi ko pa alam 'yung pasikot-sikot dito,” aniya.

“I got in the restaurant, casual job as a waitress, so 'yun 'yung ginagawa ko ngayon.

Aminado naman ang aktres na nahirapan siyang tanggapin noong una ang sitwasyon na malayung-malayo sa nakasanayan niyang buhay sa Pilipinas bilang aktres.

“Nu'ng una, like nu'ng first time ko siyang ginawa, parang eksena sa taping 'yung pagsuot ko ng apron na parang naiiyak ako pero nasanay na ako. Wala na ako sa stage na 'yon,” sabi pa ni Rich.

Rich Asuncion, nagtatrabaho bilang waitress sa Australia: "'Di na ako nagpaka-choosy"

Sa katunayan, may job offer na rin si Rich para magturo sa isang Daycare Center kung saan nag-aaral ang kanyang anak na si Bela Brie sa asawa at Fil-Aussie rugby player na si Benjamin Mudie.

Dahil dito, nag-aaral na rin siya ng Early Childhood Education and Care, isang diploma course online para maging qualified sa kanyang trabaho.

Bumili na rin umano sila ng asawang si Benjamin Mudie ng sarili nilang bahay sa Australia.

Sa ngayon ay ine-enjoy ni Rich ang kanyang buhay sa Australia kasama ang kanyang pamilya ngunit nilinaw naman ng aktres na babalik siya sa Pilipinas dahil hindi pa niya tinatalikuran ang showbiz.

“Gusto ko lang iparating sa mga tao na kahit nahihirapan tayo sa panahon ngayon, kailangan we come out stronger. Maghanap tayo ng makakapagdagdag sa kaalaman natin,” sabi pa ni Rich.

Benjamin Mudie, proud of wife Rich Asuncion's determination to start anew in Australia

Panoorin ang buong 24 Oras report: