Showbiz News

Ang visions ni Ola

Jolina Magdangal gives us an update on what to expect from her character in the telefantasya “Panday Kids.” Nagkuwento din siya tungkol sa kanyang co-star at love interest sa show na si Akihiro Sato. Interview by Connie M. Tungul. Photo by Mitch Mauricio. Kilala si Jolina Magdangal sa mga pagganap niya sa romantic comedies. Although ibang genre ang kanyang latest project, hindi naman daw ito nalalayo sa mga ginampanan niyang roles dati dahil nag-umpisa si Ola bilang isang mortal. Iba pa nga daw ang naging expectation niya as part of the telefantasya cast. “Hindi siya yung typical role ng mga immortal na minsan talagang dapat madiin ‘yung sinasabi, or Tagalog na Tagalog. Dito nagsimula ako na tao e,” says Jolina. “Visions lang naman yung nakikita ko so hindi ako masyadong nahirapan. ‘Yung look, ganoon din naman ‘di ba? Ine-expect ko nga talagang kung gagawa ako ng [telefantasya], talagang todo costume, tapos prosthetics talaga, yung parang kay Ryan [Eigenmann].” Ano nga ba ang aabangan new viewers from Ola in the upcoming episodes ng Panday Kids? “Marami na akong nagiging visions na mas nakakatulong doon sa mga batang Panday,” Jolina shares. “Tapos meron akong mga vision na parang hindi mo akalaing mangyayari iyon. Secret siya na nakita ko sa vision ko. So kahit ako, takang-taka rin ako [kung] bakit, [at] paano ‘kong nakita ‘yong mga ganoon.” Working with Akihiro.Nang tanungin naman siya kung may mangyayari pa ba sa kaniyang love interest sa show na si Akihiro Sato, ipinahayag naman ni Jolina ang kanyang pagkagulat sa mga naging pangyayari sa istorya nila. “Nagulat na lang ako [na] doon sa susunod na episode, patay na siya. Ang alam ko nga meron pa yata ‘yung dapat maglalaban kami tapos hindi niya makakayang maglaban,” she says. “Ang makukuwento ko na lang siguro [is] kung paano siya off-set or off the cam.” Kamusta naman kaya ang naging experience niya with Akihiro sa Panday Kids set? “Mabait siya. Tapos nag-aaral siya ng Tagalog. Tinuturuan namin siya pero ang nakakatuwa sa kaniya, siyempre kakausapin mo ng English para maintindihan, ‘di ba? Sasagutin ka niya ng Tagalog,” pagkukuwento niya. Nakakaintindi naman daw si Akihiro ng Tagalog sa set. “Nagugulat ako minsan ‘pag nagkukuwentuhan kami nina Ate Gelli, bigla siyang tumatawa. Parang sabi ko, ‘Naiintindihan mo ba? Tumatawa ka diyan.’ Pero nakikitawa naman siya.” -- Text by Karen de Castro Abangan kung ano ang mangyayari kay Ola at sa buhay ng mga batang Panday on Panday Kids, weeknights only on GMA Telebabad. Pag-usapan si Jolina sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Check out Jolina’s updated look in her latest gallery. Get in touch with Jolina via Fanatxt. Just text JOLINA (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.