Showbiz News

'Startalk' and 'Showbiz Central' join forces

Nagsanib puwersa na ang “Startalk” at “Showbiz Central” para mas makapaghatid ng hottest showbiz updates sa mga manonood. Text by Karen de Castro. Photos by Connie Tungul. Sa back-to-back press conference ng top-rating showbiz talk shows, ang Startalk at Showbiz Central, held last April 29, in-announce ang merger ng dalawang shows para maihatid nang mas detalyado ang mga hottest showbiz issues. Present sa nasabing event ang Startalk hosts na sina Joey de Leon, Lolit Solis, at Ricky Lo, at ang Showbiz Central hosts na sina Pia Guanio, Rufa Mae Quinto, John “Sweet” Lapus at si DJ Mo Twister. Very optimistic ang mga hosts sa latest development na ito. “[I feel] great, because “Showbiz Central” is a good enough show but “Startalk” is also like a force to reckon with,” shares Pia. “We’ve joined forces para mas lalo pang patibayin ‘yung showbiz weekend talk shows.” “I think this is just another way to become competitive in an industry growing with showbiz talk shows,” says DJ Mo. “This is GMA’s pitch to solidify yung weekend chismis and they do this by interacting both TV shows kasi alam naman natin Startalk nauuna sila sa balita dahil you know nauuna sila, Saturdays…If we can share the hosts we’ll be able to really know everything na nangyayari dito sa showbiz.” Ipinaliwanag naman ni Ricky kung paanong gagawin ang pagtutulungan na ito. “Since una ‘yung Startalk, Saturday ‘yung breaking story, tapos ‘pag may follow-up [or] may development, Showbiz Central. Parang nagtutulungan lang ang dating.” Nagbigayan naman ng mga compliment ang mga hosts about the other show na naka-merge nila. “Ang lamang lang ng Startalk, nauuna kami, pero lahat ‘yan pare-pareho ng chismis,” says Joey. “Pero llamado kami dahil nauuna kami unless ‘yung event mangyari after evening ng Sabado, sigurado sakop na ng Showbiz Central ‘yan.” Umaasa naman si Sweet na magiging positive ang effect ng mga tiga-Startalk sa mga tiga-Showbiz Central . “I’m a fan of Startalk, especially their content, so magandang maganda ngayon na nagkaron ng merger. Hopefully, [sa] mga staff ng Startalk, ma-inspire ang staff ng Showbiz Central to have content as bombastic as what Startalk has been showing for the past 14 years.” Ngayong magkatulong na ang Startalk and Showbiz Central sa pagbabalita ng pinakamaiinit na showbiz news, sino naman kaya sa tingin nila ang pinakamagaling na host sa kanilang lahat? “Pinakamagaling, kahit pagsamahin ‘yung dalawa, si Lolit, kasi siya yung pinakamatapang,” agad sinagot ni Joey. “Kasi ‘yan ang buhay ng chismis--kung ‘di ka naman matapang, walang kuwenta yan.” He even jokes about Lolit. “’Yung iba sigurista lang. Ayan si Lolit, handang magpakulong.” Sina Rufa Mae at Sweet naman ay napa-bow sa hosting and interviewing skills ni Pia. “Idol ko si Ms. Pia Guanio bilang host,” says the sexy comedienne. “I think sa pagiging talk show host ang galing niya talaga for me kasi baka talent niya talaga. Kahit sino iniinterview niya natutulala ako, magaling siya maghost period,” shares Sweet. Panoorin ang mas pinagandang Startalk every Saturday after Eat Bulaga and Showbiz Central every Sunday after Dear Friend only on GMA 7. Anong masasabi ninyo sa pagsasanib ng puwersa ng Startalk at Showbiz Central? Discuss it sa iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Check out the photos from the back-to-back press con of Startalk and Showbiz Central in this photo gallery.