Showbiz News

PAALALA: Text scam gamit ang pangalan ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz

Isang paalala ang nais iparating ng GMA Kapuso Foundation ngayong may mga kumakalat na scam at maling impormasyon na ginagamit ang pangalan ng foundation.

Walang anumang contest o raffle na isinasagawa ang GMA Kapuso Foundation.

Kung makatanggap kayo ng text message na nanalo kayo, huwag po itong paniwalaan dahil ito ay isang scam.

Bukod dito, nagsasagawa na ng ilang hakbang ang GMA Kapuso Foundation para matigil ang ganitong mga panloko.

"Mga Kapuso, muli po kaming nagpapa-alala na huwag po tayong magpapaloko sa mga gumagamit sa pangalan ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF).

"Ang mga kumakalat na mensahe tungkol sa raffle draw o contest ng GMAKF ay text scam lamang at wala pong katotohanan.

"Ginagawa po namin ang lahat upang matigil ang mga ilegal na gawaing ito.

"Mangyari lamang pong i-SHARE ang post na ito upang mabigyang babala ang inyong mga kaibigan at pamilya."


Para sa impormasyon sa mga proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumista sa website na GMANetwork.com/KapusoFoundation.

Maari ding i-follow ang official Facebook account ng GMA Kapuso Foundation. Siguraduhing ito ay may blue check mark para masigurong ito ang tamang account.