Showbiz News

Jon Lucas, isang taon nang Kapuso; gustong pagtuunan ang acting

By Jansen Ramos

Sinelebreyt ng dating Hashtag member na si Jon Lucas ang kanyang first anniversary bilang Kapuso noong July 1, 2020.

"Bilis talaga ng panahon. 1 year na pala tayong Kapuso," sambit niya sa kanyang Facebook post.

Lahat ng paghihirap ng aktor ay para sa kanyang pamilya kaya naman thankful siya sa GMA dahil maraming ibinigay na oportunidad ang Network sa kanya tulad ng pagiging parte ng cast ng Descendants of the Sun, kung saan kasama niya ang ilang bigating artista tulad nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

"Siyempre, sa buhay na ito, ang inspirasyon ko po talaga ay ang mga mahal ko sa buhay, ang aking pamilya na mula noon hanggang ngayon.

"Sinusuportahan tayo kung ano man ang gusto nating gawin, ano man ang pangarap natin, talagang nand'yan lang sila palagi para i-push tayo na gawin 'yon.

"'Yun ang inspiration ko dahil marami akong pangarap para sa kanila, marami rin akong pagkukulang bilang anak, bilang ama, bilang kapatid.

"Kaya gusto ko magpasalamat ngayon na binigyan ako ng Kapuso network ng pagkakataon para makabawi sa kanila.

"Every time na nsaa eksena, every time na may trabaho, iniisip ko lagi pamilya ko para lalo pa nating matupad 'yung pangarap natin," sambit niya isang Facebook livestream ng DOTS Ph.

Nakilala si Jon sa kabilang istasyon bilang dancer.

Gayunpaman, pinili niyang magpalit ng career at napagdesisyunang pagtuunan ang acting para makakuha pa ng maraming proyekto sa mga susunod pang taon sa GMA.

"Hindi po ako confident sa akin pong ginagawang pag-arte kasi may mga pagkakataon na alam ko sa sarili ko na tensyonado ako," pag-amin ni Jon.

"Alam ko na kinakabahan ako, lalo na kapag nakaharap ko 'yung mga batikang artista na.

"Siyempre, kahit papaano, may hiya, may pressure, kaya ang goal ko ngayon ay talagang mag-focus sa acting para ako pa ay matuto, ako pa ay mabigyan ng maraming trabaho."

Paglilinaw pa ni Jon, "Alam ko naman ang dancing, 'di tayo iiwan n'yan kasi mula bata pa lang tayo ay ginagawa naman nating sumayaw."

Panoorin ang buong panayam dito: