Showbiz News

Dingdong, naghahanda nang maging si Johnny sa 'Endless Love'

Kamakailan ay nagkuwento si Marian Rivera tungkol sa kanyang preparations para sa pagbabalik-tambalan nila ni Dingdong Dantes sa ‘Endless Love’. Now it’s Dingdong’s turn to give us an update sa kung anong mga preparations ang kanyang ginagawa para sa kanyang role as Johnny. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. Muling magtatambal sa telebisyon ang pinakamainit na love team in Philippine showbiz today sa remake ng hit Koreanovela na Endless Love: Autumn In My Heart. Gaganap bilang Johnny at Jenny ang real-life partners na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kamusta naman kaya ang pagbibigay-buhay ni Dingdong kay Johnny? “[It’s] getting there,” Dingdong shared sa kanilang naging pictorial, days before nag-umpisa ang kanilang taping last May 3. “[Yung] pagbuo ng Johnny siguro sa set namin malalaman. Dito sa pictorial, stage 1 na ‘yan so magandang nakikita namin kung papaano kami sa isa’t-isa.” Ang kanyang role dito sa Endless Love ay isang pintor. Paano naman kaya ito pinaghahandaan ni Dingdong? “Ako, binibisita ko yung mga kaibigan kong pintor, tapos tinitignan ko kung saan ba sila humuhugot ng inspirasyon at kung papaano sila para kahit papaano, maimpluwensiyahan at madagdagan ang character ni Johnny,” paglalahad ni Dingdong. Kung magiging pintor naman si Dingdong sa totoong buhay, paano kaya niyang ipipinta si Marian? “Gusto ko yung realistic. Gusto ko yung portrait, dahil yung every line ng mukha dun mo makikita yung truth, yung sincerity ng pagkatao,” Dingdong shares. “Kung nakatawa siya, makikita mo talaga kung paano yung nakatawa, kung paano bumuka yung mata.” Dagdag pa niya, “Ngayon siguro, [ipipinta ko] kung ano siya ngayon, bilang Jenny, para matatago ko yung moment na [inire-represent] yung show namin na Endless Love. Tapos kapag gumaling ako dun, pwede ko naman siya i-paint ulit bilang iba naman.” No wedding. Pansamantala namang natigil ang kanilang taping dahil isang buwan silang mamamalagi sa US at sa Canada para sa mga shows nila doon. Ano naman kaya ang kanyang masasabi tungkol sa issue na may balak daw silang magpakasal ni Marian habang naroon sa US? “Pwede kung andun si Elvis Presley,” pabirong sagot ni Dingdong. “Hindi, never pumasok sa isip namin yun.” Meanwhile, alam naman ng lahat na nagkausap na si Dingdong at ang ama ni Marian nang bisitahin nila ito sa Spain. Hindi naman kaya hiningi ni Dingdong ang kamay ni Marian doon? “Wala namang ganung usapan. Masyadong advanced yun, and kaya kami pumunta dun dahil iba ang pakay namin,” says Dingdong. “Ayokong sirain yung totoong pakay namin dun para sa sarili kong pakay.” Ngunit hindi ba na-interrogate si Dingdong ng ama ni Marian sa kanilang pag-uusap? “Hindi e. Siguro kasi nakikita naman niya na safe siya [si Marian] sa akin,” reveals Dingdong. Wala mang kasalang magaganap sa ngayon, sa tingin ba ni Dingdong ay “Endless Love” na ang kanilang nararamdaman para sa isa’t-isa? Malinaw ang sagot ni Dingdong. "Certainly." Check out Dingdong and Marian throughout their career in Dingdong’s photo gallery and in Marian’s photo gallery. Revisit Dingdong and Marian’s journey together as a love team in this gallery. Pag-usapan si Dingdong at ang kanilang loveteam ni Marian sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Dingdong. Just text DINGDONG (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. For MMS, text GOMMS (space) DINGDONG (space) ON and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.