Showbiz News

Bea Binene on Jake Vargas: 'Masaya katrabaho si Jake.'

Bea Binene gives us an update on their hit show ‘First Time’. She also reveals kung ano ang pakiramdam niya sa pagganap bilang Natalie, at kung ano ang kanyang tingin sa kanyang ka-love team na si Jake Vargas. Magkakaroon kaya sila ng ibang projects together in the future? Marami ang nag-aabang ngayon sa tambalan nina Jake Vargas at Bea Binene sa hit Telebabad show na First Time. Unti-unti na kasing nagkakamabutihang loob sina Baste at Natalie. Ano naman kaya ang maaasahan ng mga manonood sa mga susunod na episode ng First Time? “Magbibirthday si Baste! Ano kayang gift ni Nat? Abangan niyo po ha,” pagkukuwento ni Bea. Nagkuwento din si Bea tungkol sa kanyang naging experience sa pagganap bilang ang dating kontrabida na si Natalie sa First Time. “Masaya na mahirap,” she shares. “Masaya kasi sa co-artists ko, sa staff, sa new friends! Madali lang umarte ng kontrabida, pero, mahirap magalit ang mga viewers kasi malayung-malayo si dating Nat kay Bea.” Ngayon namang nagbago na si Natalie at na-dedevelop na ang kanilang loveteam ni Jake, ano naman kaya ang masasabi ni Bea tungkol sa kanyang ka-love team? “Masaya katrabaho si Jake. ‘Di siya plastic,” Bea reveals. “Walang yabang sa sarili [si Jake].” Samantala, nalalapit na ang pagtatapos ng kanilang show na First Time. Mayroon na kaya silang bagong project na pagbibidahan together after nito na aabangan ng mga fans ng tambalang Jake at Bea? “Ang sabi po sa’kin, meron daw, kaya excited na ako kung ano yun!” paglalahad ni Bea. Sa ngayon, aside from seeing them sa First Time tuwing weekdays ay magkakasama rin sina Jake at Bea sa kanilang first ever iGMA.tv Live Chat. On Thursday, May 27, 2010, from 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time) ay personal na makiki-bonding sina Jake at Bea sa kanilang mga manunubaybay at sa kanilang mga fans. Kaya naman ihanda niyo na ang inyong mga questions dahil sila ang sasagot sa inyong mga questions personally! May mensahe naman si Bea para sa mga chatters na sasali sa araw na ito. “I love chatting with our fans. I’m so excited and honored na maka-chat sila.” Just log on to http://www.igma.tv/livechat for more details on this exclusive event. Pag-usapan sina Jake at Bea sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!