Showbiz News

Matapos pigilan ng IATF, Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual tuloy ang shoot sa Baguio

By Dianara Alegre

Sa Baguio City nagtungo ang production team nina Direk Joyce Bernal at Piolo Pasual para mag-shoot sa nalalapit na ikalimang State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi pinayagan ng IATF Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang kanilang team na mag-shoot sa Sagada at Banaue bilang pag-iingat sa COVID-19.

Alinsunod sa patakaran ng IATF, bawal makihalubilo ang team nila sa lokal habang kumukuha ng footage para sa video presentation sa SONA.

Bago mag-shoot ay dumaan muna ang grupo sa Triage procedure sa siyudad.

Ayon sa Baguio City police, walang nilabag na protocol ng IATF ang team.

“I didn't see any issues when they went to Sagada. They passed through our city and they have all the necessary documents,” pahayag ni Pcol. Allen Rae Co.

Dagdag pa niya, hindi para sa leisure ang pagpunta ng grupo kundi para sa SONA ng Pangulo.

“This is official business. They are not classified as tourists,” aniya.

Inaasahang mananatili ang grupo hanggang sa katapusan ng linggo.

IN PHOTOS: SONA 2019's most fashionable women

Panoorin ang buong 24 Oras report: