Showbiz News

Ano ang aaminin ni Natalie kay Baste?

Ngayong umamin na si Baste kay Natalie, saan na kaya mapupunta ang kanilang pagkakaibigan? Ano kaya ang aaminin ni Natalie kay Baste? Nakita natin nitong mga nakaraang linggo sa First Time kung paanong unti-unting napalapit ang loob nina Baste at Natalie sa isa’t – isa. Nag-umpisa ito nang mapansin ni Baste si Natalie noong nagbigay ito ng speech sa cafeteria tungkol sa kanyang pagbabago. Lalo pang napalapit ang kanilang loob sa isa’t-isa nang umpisahang tulungan ni Natalie si Sara upang mapalapit ito kay Baste. Habang busy si Natalie sa pagtulong niya kay Sara, unti-unti namang napansin ni Baste na nagseselos na siya kapag nakikita niya si Natalie na kasama si Daniel. This week, naging eventful naman ang nakaraan na birthday ni Baste, dahil napapansin na ng mga kaibigan ni Baste na may gusto siya kay Natalie. Samantala, nilinaw naman ni Natalie kay Baste ang tungkol sa kanyang tunay na relationship with Daniel, kaya naman nabuhayan ng loob si Baste at nawala na ang kanyang pagseselos dito. Dahil dito, sa kanyang surprise birthday party ay inamin na niya kay Natalie ang kanyang birthday wish – si Natalie. Meanwhile, patuloy pa rin ang pagtulong ni Natalie kay Sara. Sinabi niya kay Sara na hindi magtatagal at mare-realize din ni Baste na sila ni Sara ang bagay, kahit na napansin na ni Sara ang pagkakagusto ni Baste kay Natalie. Sa birthday party ni Baste, pagkatapos umamin ni Baste tungkol sa kanyang feelings ay may aaminin dapat si Natalie sa kanya. Ngunit bago pa man maituloy ni Natalie ang kanyang sasabihin, dumating si Sara and hindi naituloy ni Natalie ang sasabihin niya kay Baste. Ano kaya ang aaminin ni Natalie kay Baste? May gusto din kaya siya kay Baste? O may mga hahadlang pa rin ba para masabi ni Natalie ang kanyang feelings? You have the chance to ask Baste and Natalie themselves as Jake Vargas and Bea Binene visit iGMA.tv para sa kanilang very first iGMA Live Chat! Today, May 27, 2010 from 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine Time) ay personal silang makikibonding sa inyong mga fans. Handa na silang sagutin ang questions ninyong mga fans kaya ihanda niyo na ang inyong mga tanong para sa kanila. Just log on to www.igma.tv/livechat for details on this exclusive event. Pag-usapan sina Jake at Bea sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Jake. Just text JAKE (space) [Your message] and send to 4627 for all networks. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.