Showbiz News

Julie Anne San Jose, RitKen at iba pang Kapuso artists, nominado sa 2020 Awit Awards

By Aaron Brennt Eusebio

Inilabas na ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) ang listahan ng mga nominado para sa ika-33 Awit Awards.

Nangunguna ang Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose sa Kapuso artists na mga nominado.

Nominado ang kanta nina Julie Anne at Rico Blanco na "Isang Gabi" bilang Song of the Year, Best Performance by a Female Recording Artist, Best Collaboration at Best Ballad Recording.

Bukod dito, nominado rin ang kanta ni Julie Ann na "Maleta," kasama ang rapper na si Gloc-9, sa Best Collaboration at Best Rap/HipHop Recording, at ang kanyang single na "Regrets" bilang Best Pop Recording.

Kasali sa mga nominado sa Best Collaboration ang kantang "Almusal" nina Rita Daniel at Ken Chan, at "Baka Sakali" nina Rico Blanco at Joyce Pring.

Nominado rin ang "Almusal" nina Rita at Ken bilang Best Pop Recording at Best Novelty Recording.

Nominado bilang Best Performance by a Female Recording Artist sina Princess Velasco, Hannah Precillas, Golden Cañedo, at Melbelline Caluag.

Nominado naman sina Anthony Rosaldo, para sa kantang "Larawan Mo," at Mcoy Fundales para sa kantang "Bakit Kita Hahabulin," bilang Best Performance by a Male Recording Artist.

Nominado rin ang "Bakit Kita Hahabulin" bilang Best Ballad Recording at Best Folk Recording.

Kasama sa nominees bilang Best Performance By A New Female Recording Artist ang GMA Music artists na sina Mirriam Manalo, Kyryll, Melbelline at Angel Guardian.

Nominado naman sina Best Performance By A New Male Recording Artist ang The Clash alumni na sina Garrett Bolden at Jong Madaliday.

Para sa Best Performance By A New Group Recording Artist, nominado ang girl group ng GMA Music na XOXO, na kinabibilangan nina Melbelline, Muriel Lomadilla, Lyra Micolob, at Danielle Ozaraga.

Nominado rin bilang Best Ballad Recording sina Anthony, Hannah, Garrett, Mcoy, Princess, Kyryll, Golden Cañedo, Michael V, at ang Kapuso millennial trio na JBK.

Nominado rin bilang Best Pop Recording sina, Jong, Ken, at Angel.

Para sa Best Rock/Alternative Recording, nominado sina Kyryll para sa kantang "Silent Rumblings," at Ruru Madrid para sa kantang "Nawawala."

Nominado rin si Ken bilang Best Novelty Recording para sa kantang "1 Like" samantalang nominado bilang Best Inspirational Recording si Princess para sa kantang "Kaunti Na Lang."

Nominado naman bilang Best Dance Recording ang kanta ni Jong na "Ano Ba," at ang kanta ni Golden na "Tayo Pa Rin" samantalang nominado naman bilang Best R&B Recording ang kanta ni Garrett Bolden na "Handa Na Maghintay."

Nominado rin ang ilang kanta ng GMA Music na theme song ng Family History, Kara Mia, Magkaagaw at The Gift.

Nominado rin bilang Best Song Written for Movie / TV / Stage Play ang kantang "Magkunwari" ng December Avenue na ginamit na soundtrack ng GMA political-drama na TODA One I Love.

Mapapanood ang online awarding ceremony ng ika-33 Awit Awards sa August 20, 2020, 6 p.m.